Madonna, binastos ang bandila ng Pilipinas?

Photo Courtsey of Instagram - gmanews

Photo Courtsey of Instagram – gmanews

May mga nagalit kay Madonna dahil sa pambabastos daw nito sa ating flag.

Ginawa kasi niyang props ang Philippine flag when she draped our flag during her recent concert. Isa raw itong paglabag sa batas ayon sa isang Facebook fan page where it said it was “a violation of Section 34 of Republic Act 8491, which prohibits the wearing of the flag “in whole or in part as a costume or uniform.”

“hinde nman talaga kailangan isalisali ang FLAG ng bansa mo lalo na walang kwentang gawain mo. maliban lng ko ito ay ginawa mo para sa PARANGALAN NG BANSA MO..DISRESPECTFUL talaga yan sa bansa mo.”

“Kawawa naman ang bansang Pilipinas, lugmok na nga, di pa nirespeto. Kahit sa bandila lang naman sana ipakita natin ang respeto, kaya lang dahil sa sikat ang may suot. Hahayaan nalang natin.”

“I just wonder bakit kailangan gamitin sa concert.para sa akin precious at di dapat hinahayaan na gamitin na parang props.

Ilan lan g yan sa mga tili ng social media people.

Pero may nagtanggol din naman at nagsabing, “Arte nyo! Di naman binastos eh! Ang aarte nyo! E kapag nga boksingero ganyan din gnagawa ah! Iwinawagayway ! Meaning proud at gusto nya pinag-coconcertan nya yun Lang yun! Masyado na kayo! OA na yang ganyan!”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Madonna, binastos ang bandila ng Pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.