Madir nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, sobrang pakialamera?!

SOBRA PALANG pakialamera ang madir nina Toni at Alex Gonzaga.

We were informed na kinakalampag ng madir ng dalawa ang isang executive kapag napapansin niyang konti lang ang exposure ni Alex sa teleserye niya noon sa TV 5.

Talagang nanonood daw ang mother dear ni Alex at kapag napansin niyang ilang sequences lang ang eksena ng kanyang anak ay talagang tinatawagan ang executive ng Singko para sabihin kung bakit konti lang ang exposure ng kanyang dyunakis.

At hindi lang daw doon nagtatapos ang pakikialam ng madir ni Alex. Pati pala sa paghawak ng pera ay siya pa rin ang kailangang masunod dahil siya ang may hawak ng datung ng magkapatid.

One time, Alex asked her mom daw kung puwede siyang bumili ng mamahaling relo. Talagang obsessed na obsessed siya sa timepiece na ‘yon. Inggit na inggit nga siya sa kapwa niya artista na nakita niyang merong suot niyon.

But to her dismay, hindi pumayag ang madir niya. Hindi raw niya kailangan ang mamahaling relo. Sinabi rin nitong ini-invest niya ang pera nito sa mga properties.

Wala na lang daw nagawa si Alex kundi ang pumayag na lang sa desisyon ng inang ‘wag nang bumili ng high end na relo.

KUNG MERON mang project si Senator Bong Revilla na proud na proud siya, ito ay ang  epicserye niyang Indio. 

And why not? Ang Indio ang pinagbuhusan niya ng lahat ng nalalaman sa pag-arte. Natutunan na nga niyang isabuhay ang kanyang ginampanang role.

“Kaya naman sobra ang pagsisipag natin sa taping para lalo pa nating mapaganda ang Indio,” sabi ng actor-politician.

At ngayong nasa recess ang Senado, hindi nagpabaya ang senador sa pagtulong sa paglilibot ng kanyang asawang si Congresswoman Lani Mercado at anak na si Jolo Revilla who is running as vice-governor in Cavite.

Kahit na pagod ay sige pa rin si Sen. Bong sa pagsuporta kina Lani and Jolo.

“Paraan na rin ito para sa patuloy na pagpapasalamat sa walang humpay na pagtitiwala at suporta ng mga Kabitenyo sa mga Revilla,” sabi ni Bong.

 

SARI-SARING REACTION ang nabasa namin tungkol sa lumabas na photo ni Georgina Wilson kung saan naka-peace sign siya sa isang kamay niya at naka-dirty finger naman sa kabilang kamay.

Marami ang na-turn off sa litratong ito ni Georgina na lumabas sa isang website.

As expected ay katakut-takot na batikos ang inabot ng modelo.

“A totally classless act. Goes to show a pretty face (with make-up) doesn’t always come with a pretty upbringing,” sabi ng isang naloka sa picture.

“Oh well, money can’t buy class, as they say,” tili naman ng isa.

“Celebrities and quasi celebrities are public figures thus taboo to do the dirty finger. IMO. “I love peace and I Love to F**k!” :D,” another guy said.

“Akala nya cool na sya nyan :)),” patutsada naman ng isa pang ikinagulat marahil ang picture na iyon ni Georgina.

Wala kayang photoshop sa picture na iyon ni Georgina? Ano naman kaya ang naisip niya nang gawin niya ‘yon, that is, kung siya nga iyon at walang binago sa litrato?

Anyway, sanay na naman sa kontrobersiya itong si Georgina.

Hindi ba’t last year lang ay marami rin ang bumatikos sa kanya when she posted her photo kung saan pinalitan niya ng mukha ni Nora Aunor ang kanyang face.

 Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

9 thoughts on “Madir nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, sobrang pakialamera?!

  1. Pingback: Madir nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, sobrang pakialamera?! | You Mp3

  2. ok lng namna kung mather nila ang maghawak ng pera as long as maayos ang pagkadala….at tama din naman ang mather nya, d nya kailangn ng mamahaling relo..anung masama doon?

  3. BOBO ATA TONG WRITER KUNO NA TO EH! ABA NATURAL MANAGER NILA ANG INA NILA !!!!! NATURAL NA YUNG CAREER, PROJECTS AT EXPOSURE NG MGA ANAK NYA ANG PRIORITY NYA BOBO!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.