Madir ng guwapong young actor, mapanlait sa kapwa?!

BLIND ITEM: Nakasa-sad naman kung totoong ang madir ng isang gwapong young actor ay mapanlait ng kapwa.
Just recently ay nagkaroon ng presscon ang anak para sa isang teleserye. Hindi pa man nagsisimula ang presscon ay may “kabilin-bilinan” ang lola n’yo sa namamahala ng presscon na make sure lang na walang magtatanong sa anak niya ng tungkol sa dati nitong ka-loveteam.
Dahil totoo ba na dumayalog ito ng, “Ayokong pag-usapan sa presscon ng anak ko ‘yung babaeng mahirap!” Kung totoo man ito, teka muna at foul naman ata ‘yon, Mami.
Tapos, nagdayalog pa raw ito minsan na hindi naman totoong nagkakaigihan na ang anak niya at ‘yung inilalabtim na babae rito. “Hindi naman papatulan ng anak ko ‘yon, ang pangit niya, no!”
Wow! Easy ka lang diyan, Mother, huh! ‘Pag hindi ka po kumalma ay malapit ka sa karma.
Sobrang nakasa-sad kung totoo man ito. ‘Pag nakakausap naman namin si Mami, parang hindi ko rin maimadyin na kaya niyang manlait ng itsura ng isang tao, lalo na kung wala namang ginagawang masama sa kanya, ‘di ba?
Sinabi nga namin sa aming source kung sure bang sinabi ‘yon ni Mami?
“Sure na sure ako, mare, dahil nakarating na rin ‘yang kaartehan ni Mami sa management. Awang-awa naman sila du’n sa girl kasi, okay lang namang sabihin mong maarte o pangit ang ugali ng bata, pero huwag namang manlait ng itsura. Porke ba guwapo ang anak mo, wala na bang karapatang mainlab ‘yon sa isang simpleng babae?”
Isa pang isyu dito ay ‘yung nagde-demand daw ng cut-off si Madir para sa anak niyang guwapo.
“Dahil nag-aaral daw ang anak niya, kaya 2pm ang dating nito sa set at pack-up na agad ng 12mn. Mare naman, bida ‘yung anak mo, tapos, bawal mapuyat dahil me pasok pa kinabukasan? Ba’t hindi mo muna pahintuin sa pag-aaral ang anak mo para makapag-concentrate sa pag-aaral kung gusto mo talagang maka-graduate?
“Eh, alam naman niyang puyatan ang taping, lalo na kung bida ka pa ng teleserye? Hindi bale sana kung napakahusay umarte ng anak niya, ‘di ba? Eh, hindi naman talaga’t pagpapa-cute lang ang kayang gawin.
“Tapos ‘pag kokonti ang eksenang mapapanood ni Mami, for sure, magrereklamo na naman siya at magtatanong eh, alam naman niya kung ano ang sagot sa reklamo niya. Saka ba’t ka naman magde-demand ng cut off sa anak mo eh, kung magsipag-gimik, inaabot naman ng ala sais nang umaga, tapos ‘pag oras ng trabaho, hanggang 12 midnight lang ang cut-off?”
Oh, well. Basta kami’y nagulat lang sa tsikang ito. Okay na ‘yung kaartehan sa calltime, pero ang ayaw talaga naming paniwalaan ay ‘yung nanlait ka ng itsura at katayuan sa buhay ng isang tao.
Well, sana nga, hindi ito totoo. At gusto ko lang sabihin sa kababayan kong madir na dapat na malaman niya na tayong lahat ay Pilipino at dapat na magkaisa.

By Ogie Diaz

loading...

18 thoughts on “Madir ng guwapong young actor, mapanlait sa kapwa?!

  1. Wag naman sana pati si Elmo idamay! Yah, nainis din ako kay Ms. Pia kasi walang ibang pinakita sa kanila si Julie kundi puro kabutihan. Pero, makikita mo pa rin naman kay elmo na he still care abt J. Masyado lang siya sunod sunuran sa nanay niya. And FYI. Gwapo si Elmo. and talented pa! Mas masasaktan si Julie kung pati tayong fans or yung naging fans nila e magagalit kay Moe. Di natin alam kung ano ang totoo. Tanging sina Julie Anne at Elmo ang nakakaalam at makakaalam nun! Still, im a JULIELMO solid :)

  2. WOW.. GALING NAMAN ng pia magalona na to… if i know yung unang 2 niyang anak eh hindi kay francis, sa dati niyang kalive in at bukod dun naging kalive in din ni gabby concepcion noong araw. Malandi itong hitad na ito kung makalait eh kala mu kung sinong magnda. pasalamat siya tinanggap pa siya ni Francis magalona kahit na may mga anak na siya sa dating karelasyon niya…. makapanlait ka huh… tumingin ka sa kaimoralan mu kung tama ginagawa mu bago ka manlait ng ibang tao… pangit naman ng anak mung si elmo di kgwapuhan ha… jusme…

  3. Sabi na nga ba na the whole time na may JE loveteam eh puro kaplastikan lang pinapakita ng mga Magalona eeh. I mean, it’s too obvious. Gamit na gamit na nga ang name ni japs sa pagpapasikat sa anak nya tapos yan pa sasabihin nya? Grabe sya. Wow. Well, sa itsura palang naman ni Miss Pia, eh. Bitter lang to malamang kasi ang anak nya nasa afternoon prime palang samantalang si Julie, bida na sa sarili nyang primetime series na aminin man natin o hindi, pumapatok naman. Hay, God bless her soul na lang. Yun na!

  4. Di naman guapo si elmo ah..nagkataon lang na sikat ang tatay nya. Pero kung hindi ..di sya kilala. Wala nmn sya career. feeling sikat at guapo.. Hay!! wawa naman..super flop kaya movie nila ni Julie

  5. Talaga daw masama ugali ng pia na yan. Puro daw reklamo sa subd nila pero di nmn nagbabayad ng monthly dues. Kaloka!

  6. Tingin nya sa sarili maganda? Laki kaya ng bunganga niya. Taka nga ako kung bakit sya nagustuhan ng asawa niya eh, ganun daming magaganda hindi lang sa showbiz.. lol!

  7. Nakakalungkot naman.. Ang taas taas ng tingin ko sa mga Magalona, tapos ganito.. Naturingang pamilya sila ni Francis M. tapos ganyan, grabe naiiyak ako. wala namang ginagawa si Julie sa kanila eh.. T.T wag naman sanang ganyan, nagtatrabaho ng maayos si julie tapos lalaitin. kung naiinggit si Pia dahil mas maraming project si julie, aba’y grabe si elmo nga ndi nag-rereact tapos siya mag rereact ? kasalanan niya rin yan, siya ang manager ni Elmo dapat siya ang umasikaso sa career ni elmo. Nakakalungkot Ms. Pia, nakaka-turn off po kayo. :'(

    Hindi to ang unang beses na may nilait ang mga magalona, una ay ang XLR8 .. daming nagalit na fans non.. Wag naman po sanang ganon, mga Filipino tayo, dapat nagkakaisa tayo :(

  8. Disappointing, if this is true. I used to think their family was one of those steady, chill, ‘non showbiz’ showbiz family.
    I get why people r reacting – i’ve followed the 2 kids during their earlier days and seen how the mom was treating her and giving all these praises and how she leads fans on what d 2 kids really r. It’s not like it’s completely unexpected, tho.. people should try to stop overreacting.
    I’d love to see how this’ll affect elmo’s career tho.

  9. mmmmm parang hindi naman masyadong gwapo..
    habang naiinis ako sa ibang fans na masyadong ginagawang perpekto si girl, di naman yata tama ito. kawawa si little boy kung ganito ang magpapatakbo ng career/buhay nya.

    Paalala: Maari po lamang umarte naayon sa ganda/kagwapuhan. Pati narin sa talent. Wag malunod sa kalahating baso ng tubig.

  10. Wow kung totoo to. Aba naman Ms Pia nahiya naman kami sa estado ng buhay nyo. Diba nga kayo itong nagtatrabaho lahat kahit bata pinagtatrabaho mo para matustusan mga kaartehan nyo? Sino ang mas mahirap? Hahaha Bakit, gwapo at maganda ba kayong mga Magalona? hahaha Ang layo ni Elmo sa ibang artista! Wala pang talent. Wag kang magmataas. Karma din aabutin nyo. Mga matapobre! Feeling mayaman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.