Madir ng child actress, ‘di umubra ang pag-iinarte sa manager ng anak!

 

NATULOY RIN pala ang child actress sa bago nitong show sa isang network. Saksi kami nu’ng tawagan ng nanay ng child actress ang manager upang ipaalam na ayaw na ng anak na child actress na gawin ang role. Nahihirapan daw kasi ito. Nangangati raw ang bata kapag sinisimulan nang lagyan ng make-up ang buong katawan nito. Hinihika rin daw kapag naaamoy na ang make-up na nakababad sa buong araw.

Para hindi ma-stress, sabi nu’ng manager sa nanay ni child actress na nagri-reklamo, ay tatawagan na niya ang production at sasabihing tanggalin na ang child actress sa show. Pero may pauna ito na huwag maiinip kapag walang show ang anak. Buti nga raw at may show ang bata samantalang ‘yung iba’y naghihintay pa at kung mamalasin ay walang show sa buong taon.

Sinabi rin ng manager sa nanay ni child actress na masyado silang mareklamo, kapag naman walang show ang bata ay tawag sila nang tawag at sinasabihang ihanap niya ng show ang bata, ngayong may show ay nag-iinarte naman at super daming reklamo. Aba, feeling kung sino na ang nanay at ang child actress, huh!

Ayun, natauhan siguro ‘yung nanay at heto’t tuloy pa rin pala si child actress sa show. Natakot siguro ang nanay sa sinabi ng manager. Kung hindi itinuloy nu’ng nanay ang show para sa child actress, baka makalimutan na siya dahil napakaganda nu’ng role at kasama pa ni child actress ang sinasabing karibal nito ngayon sa popularidad na child actress din. In fairness, mahusay rin ang child actress na karibal at patok na patok pa ang show na katatapos lang nitong gawin.

Naku, ayaw ni Ate Vi ng ganyan, huh!

(By Ronald Rafer)

loading...

6 thoughts on “Madir ng child actress, ‘di umubra ang pag-iinarte sa manager ng anak!

  1. kawawang bata..dapat naglalaro,nag-aaral, at inaalagaan ng magulang, tapos ang bata ang kumakayod magtrabaho para sa pamilya? waaaaaaaah! 

  2. That’s child labor. It’s the welfare of the child that should be first and foremost. So what if the child won’t have projects soon. At her age, she should be doing what normal children do, which is studying, playing and enjoying childhood. The parents should provide for all her needs, not the other way around!

  3. Ang mother at step father ang umaasa na makabili sila ng bahay, Kawawa naman itong bata na dapat pagaralin, pero heto pinagtratrabaho nila. Hope may perang nakatabi yoong bata, pero I doubt it.

  4. nasa magulang yun kung pag-aartistahin ng batang-bata ang anak nila. kung sa tingin nila delikado sa bata yung make-up, at kaya naman nila buhayin ang bata,tanggihan nila. importante pa rin ang kapakanan ng bata. bilang magulang, kahit na artista pa ang anak nila, obligasyon nila na protektahan ang interes ng bata wala pang 18 y/o. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.