Madilim na kalsada sa Taguig

0917527xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen dito sa may Taguig at nais ko lamang pong ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan dito sa amin dahil iyong kalsada po sa Ca-pistrano Street papunta ng C-6 ay sobrang dilim sa gabi dahil walang ilaw ang mga poste. Napakadelikado po para sa mga tao lalo na sa gabi kung patuloy na walang ilaw ang kalsadang ito dahil maaaring pagmulan ng aksidente o krimen. Sana po ay makalampag ninyo ang mga dapat kalampagin para po maaksyunan ito. Maraming salamat po.

 

0921463xxxx – Idol Raffy, itatanong ko lang po kung lehitimo iyong isinasagawang checkpoint dito sa may Dasmariñas, Cavite, sa may Paliparan, kasi ay nanghuhuli sila ng mga naka-motor at hindi sila nagbibigay ng ticket. Pagkatapos ay tutubusin po ang lisensiya sa isang pulis sa Police Community Precint 4.

 

0919522xxxx – Sir, irereklamo ko lang po ang dalawang pulis dito sa may C-6 dahil iyong isa po ay taga-para lang at pagkatapos ay ipapasa niya ang lisensiya roon sa pulis na nasa loob ng mobile. Patago pa po sila kung manghuli.

 

0922292xxxx – Idol, isusumbong ko po sa inyo ang tungkol sa abusadong kapitan ng Barangay Suplang dahil isang driver ang hinampas niya ng baril at marami na po itong sinaktan. Sana po ay matigil na ang kalokohan ng kapitan na ito lalo na po sa mga dayo lang sa lugar na iyon. Salamat po.

 

0999483xxxx – Irereklamo ko po ang abusadong konduktor ng bus ng Sta. Rita Transport dahil sumakay ako from Boni Avenue papuntang Santolan. Ang kaso po pagdating pa lang ng Shaw Boulevard ayaw po niyang lumarga kahit naka-go signal na. Dahil doon ay nagpasya akong ibalik na lang ang ticket at kunin ang binayad ko dahil matatagalan pa sila bago umandar. Pagkatapos ibigay ng kundoktor ang pera ko ay tumalikod na ako at pababa na ng bus nang itulak ng kundoktor. Sana po ay matulungan ninyo ako at makastigo ang bastos na kundoktor na ito dahil baka gawin pa niya sa iba ang ginawa niya sa akin. Ang plate number po ng bus ay NYP 837 at may body number na 8878.

 

0918272xxxx – Sir, ako po ay isang driver ng jeep na biyaheng Pasig–Pateros–Marikina, hinuli po ako ng isang pulis at tiniketan subalit hindi niya ibinigay sa akin ang kopya ko ng ticket. Sa ngayon po ay hindi ako makapagtrabaho dahil wala akong lisensiya. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.