Madalas kasi ang pamamalat ng boses
Regine Velasquez, pahinga na muna sa showbiz

INIIWASAN TALAGA ni Alessandra de Rossi na pag-usapan ang isyu ni Heart Evangelista lalo na’t kapag damay ang magulang nito.

Mas gusto kasi ni Alessandra na mas private na lang ang closeness nilang magkakaibigan, na kung ano man ang suportang ibinibigay nila sa aktres ay sa kanila na lang ‘yun.

Malaki ang pasasalamat ni Heart kay Alex at pati na rin kay Lovi Poe, at ang kasamahan namin dati sa Tweetbiz na si Arnold Sebastian, dahil hindi siya iniwanan at laging nandu’n sila sa pag-iisa nito.

Siyempre, busy naman si Sen. Chiz Escudero sa pangangampanya kaya hindi naman daw sila laging magkasama.

Kaya kung wala si Sen. Chiz, mga kaibigan ang mga kasama ni Heart. Ang isa nga sa pinagkakaabalahan nito ay ang pagpinta.

Si Alessandra pala ang nag-push sa kanya na magpinta dahil nakitaan ito ni Alex ng talent sa pagpinta kaya paint na lang sila nang paint.

In fairness, maganda ang mga gawa nila at napu-post nga nila ito sa Instagram accounts nila.

Sabi naman ni Alex, may talent talaga si Heart sa pagpinta kaya tinulungan lang nila ito na ma-develop, at nakatulong naman.

Kaya ang ending niyan, magkakaroon na ‘yan sila ng exhibit isa sa mga araw na ‘to!

Sabi ni Heart, pinapalamig na lang muna nila ang lahat at magkaayos na rin daw ‘yan sila, at sana nga malapit na raw.

Sa bakasyon daw muna ngayon si Heart. Nasa Palawan pa yata ito, at baka mag-Amerika rin sila.

 

PANSAMANTALANG MAGBABAKASYON na rin pala si Regine Velasquez dahil sa payo ng kanyang doktor na magpahinga muna ito.

Madalas na kasing namamalat ngayon si Regine, at kung hindi ito mag-iingat, baka maapektuhan daw ang boses nito.

Kuwento ni Ogie Alcasid, matindi na raw kasi ang acid reflux ngayon ni Regine at kung hindi raw ito gagaling, puwedeng madamay pati ang boses niya.

Ganu’n pala ‘yun, kapag may acid reflux ka, ang tendency mamalat ka lagi.

Palagay ko, ‘yun ang nangyari nu’ng nawalan siya ng boses sa Silver conert niya nu’ng nakaraang taon.

Kaya nag-iingat na ngayon si Regine at susundin daw nito ang payo ng doktor niya na magpahinga muna ng kahit isang buwan lang.

Nag-iipon na nga raw sila ngayon ng maraming episodes sa Sarap Diva, at magpapaalam na rin muna ito sa Party Pilipinas at pati na rin sa Hot TV.

Dapat rest lang daw siya at hindi muna magsalita o kumanta lagi. Kailangan daw niyang gawin ‘yun dahil nakatakda pala itong magkaroon ng concert tour sa Amerika.

Kaya lang, sa June na pala matatapos ang kontrata ni Ogie sa GMA at mukhang tuloy na raw ito sa paglipat ng TV5.

Hindi kaya sasabay na rin doon si Regine? Tingnan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Madalas kasi ang pamamalat ng boses
Regine Velasquez, pahinga na muna sa showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.