Madalas ipamukha ang pagiging adik Janice Jurado, suko hanggang langit ang galit kay Ma. Isabel Lopez!

SUKO HANGGANG langit ang galit ni Janice Jurado kay Ma. Isabel Lopez. Kaibigan daw niya ang dating sexy actress/ beauty queen, pero sobra na raw ang ginagawa sa tuwing sila ay nagkikita.

“Sobra kung pahiyain ako n’yan sa mga tao. Para bang wala akong karapatang mabuhay sa mundo. Lagi na lang niyang sinasabing adik ako. Adik ako, adik ako. Bakit wala na bang pagbabago ang isang tao? Tingnan mo nga ang mukha n’ya, mas mukha pa nga siyang adik sa akin!” Tuluy-tuloy na panimula ni Janice nang magkita kami sa tanggapan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Nasa hagdanan na kami ng Manila City Hall ay wala pa ring habas ang dila ni Janice. “Pinagpapasalamat ko ‘yung mga tulong na ibinigay niya sa akin. Pero, Diyos ko naman! Tao naman ako at may kahihiyan. Huwag niya akong ganunin. Sabi ko nga, sige isa pa, subukan n’ya uling bastusin ako sa harap ng mga tao ‘pag nakita niya ako, malalaman niya kung sino itong adik na nilalait niya.”

Ayon kay Janice, maraming kaibigan ang nakatulong sa kanya noong mga panahong nagkaroon siya ng cancer. “Marami akong dapat pasalamatan, kaya nga ngayon ay hindi na ako humihingi ng tulong-pinansyal sa kanila dahil nakakahiya na. Sa ngayon ay naghahanap talaga ako ng work, kasi wala namang ibang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko.”

Sinabi ni Janice, na hindi mabibilang sa kanyang daliri ang mga taong nagbigay-tulong sa kanya nu’ng mga panahong bagsak na bagsak siya. Pero si Isabel lang daw ang tumulong sa kanya na parang hindi bukal sa loob ang ginawang pagdamay.

“Kasi kung talagang bukal sa kanyang loob ang kanyang ginawa, hindi niya ako lalaitin at hindi niya ako ipapahiya,” pag-wawakas ng dating sexy star.

 

KUNG SINA Wilma Galvante at Annabelle Rama ay nagkabati matapos ang halos apat na taong pag-aaway, never naman itong mangyayari sa pagitan nina Annabelle at Nadia Montenegro.

Kung tutuusin, nag-ugat ang hidwaan nina Annabelle at Wilma dahil sa mga talent ni Bisaya partikular na kay JC de Vera. Samantalang ang kay Nadia ay may kinalaman naman sa kanyang mga anak na nga-yon ay mina-ma-nage ni Annabelle.

Ayon sa kampo ni Nadia, walang nakikitang dahilan pa ang dating actress na makipagbati kay Annabelle, lalo pa at wala pang katarungang nagaganap sa pagitan ni Annabelle at ng kanyang mga anak.

“Siguro, magkakabati lang ‘yan kung si Annabelle mismo ang magso-sorry kay Nadia. Pero kung si Nadia ang magso-sorry kay Annabelle, malabo talaga,” sabi ng aming source.

Kung babasihan ang lalim ng damage na diumano ay nagawa ni Annabelle kina Wilma at Nadia, mas malalim ang kay Nadia dahil anak ang nasaktan kay Nadia at hindi ang reputasyon lang.

“Maliit lang ang mundo. Sooner, magkakabati lang ‘yan. Wala namang tumatagal na magkaaway sa showbiz,” sabi ng aming kausap. Pero sa mga sandaling ito ay mainit pa rin si Nadia kay Annabelle. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “Madalas ipamukha ang pagiging adik Janice Jurado, suko hanggang langit ang galit kay Ma. Isabel Lopez!

  1. Pwede ba i post dito yung link ng SILIP (the Daugthers) ni Isabel Lopez, sarsi emmanuel,  ehheheh ganda ganda ng movie all the way talaga at kita lahat ehhehehe si mark josep yung lalaki..alam kaya ni mara ito (the former survivor cast away) ang mga ginagawa movie ng nanay nya nun..buti na lang nasa save namin ito after 20 yrs malinaw pa rin..

  2. those two old fart ADDICTs r still lucky to be alive….fuk ur faces isabel and janice.two cocksuckers are fucking old.

Leave a Reply

Your email address will not be published.