MACHETE NI ALJUR ABRENICA, NAKAKAUYAM NA!

OLACHIKKA! MARAMI TALAGA ang nag-date nitong Valentine’s Day. Ako naman, nasa Cebu lang at nag-unwind. May show kasi ako sa DYRC Cebu.

Heto na ang chikka! Marami raw ang nakakita kina Willie Revillame at Shalani Soledad na nag-date nu’ng V-Day. With matching holding hands pa raw ang dalawa while walking, huh!

In fairness sa Lola Shalani n’yo, pakiyeme pang ayaw umamin sa relasyon nila ni Willie, pero halata namang meron nang talaga! Itanong na lang natin ‘yan kay Rico J. Puno, ang bagong ‘BFF’ ni Willie. Tiyak na maraming alam na sikreto sa TV host ang singer.

Naku, segwey na lang tayo dito kay Aljur Abrenica. Sa tuwing napapanood namin kasi ang Machete, wala talaga kaming makitang dapat balik-balikan sa programa. Mas maganda pa rin talaga ang original! Hindi bagay kay Aljur ang role, sa totoo lang.

Sey nga ng mga Cebuano, trying hard ang young actor sa role niya. Walang ‘K’! Kaya wala ring rating! Hahahaha!

Sana ay matapos na raw ang programa at nakakauyam na raw talaga ito! Nakakasira raw ng gabi nila, sey pa ng mga listeners ko rito sa Cebu.

BLIND ITEM: SINECH ANG mahusay na aktres na itech na umano’y nililigawan ng isang doctor, pero tinanggihan niya ito? Ang nakakaloka, tumanggi pa siya? Tingnan n’yo na lang ang hitsura niya na para nang isang matron, pero tumanggi pa siya sa isa sanang grasya!

Naku, ‘teh, kung ako sa ‘yo, go na! Sayang ang love at blessings na gini-give, ‘no?

UGALIIN N’YONG MAKINIG sa DWSS 1494khz, Mon-Fri, 11:30 AM – 12:00 PM, kasama ko ang anak kong si Lady Camille. Tuwing Linggo naman sa DZRH 666khz, 2:30-3:30 ng hapon.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “MACHETE NI ALJUR ABRENICA, NAKAKAUYAM NA!

  1. ganyan kana ba ka disperada shalani kung totoo man yan pumatol ka sa willie nayan?o my god patawarin
    wagkang pumayag gamitin ka lang sa HAMBOG nayan ubod ng YABANG,ang kapal ng mukha…ang daming galit sa HAYOP nayan

    • Agree ako sa yo. Konsehal pa naman si Shalani at parang respected noon na hindi pa sumali sa showbiz, parang pinababa lang nya ang credibilidad nya na nagpagamit kay Willing Willie. Sa daming lalaki na gusto siyang ma date, doon pa sa walang credibilidad sa mga babae, palakero at dami ng sabit at anak. From President of the Philippines, she is definitely going backward. Well, ang Willing Willie kasi instant ingay, kaya yon ang gusto ni Shalani, instant publicity.

Leave a Reply

Your email address will not be published.