MABUHAY ANG LGBT LOVE: Relasyong Vice Ganda at Calvin Abuevo, positibo sa tao

Vice Ganda and Calvin Abueva

NAGING viral ang tsika about the unkaboggable-box-office superstar na si Vice Ganda at ang natsitsismis niyang boyfriend na PBA player na si Calvin Abueva.

 Meron or Wala? Majority sa mga followers ng TV host ng noontime show na It’s Showtime at bida sa MMFF 2018 official entry na Fantastica ay naniniwala na may romantic “something” between the two.     

Sa noontime show, kapag tinutukso si Vice ng mga co-host niya na in love siya kay Calvin, ngumingiti lang ang komedyante at hindi tahasang masagot ng direkta ang pangangantiyaw sa kanya.

Kung napapanood mo ang mga laro ni Calvin sa PBA ay andun si Vice at nagtse-cheer sa basketbolista. Viral ang mga photos at video na nakukuha sa kanila na isini-share ng mga netizens online.

Mas love yata ni Vice si Calvin na very casual sa “friendship” nila ng komedyante-TV host. Walang arte si Calvin kahit makunan man sila ng photos or video at nagkalat online.

Say ni Vice: “Magkaibigan kami. Masaya kami. Basta masaya kami kung anong meron ngayon, masaya lang kami,” paniguro ng komedyante na ayaw na mag-elaborate tungkol sa romantic alliance nilang dalawa.

Calvin Abueva and Vice Ganda

Sa katunayan, ang kaganapan recently na nagkita sila sa Boracay ay naging malaking isyu online. Sagot ni Vice sa pangyayaring ito: “Nagkita lang kami. Andun ako kasama ang nanay ko para magpahinga. Siya naman, andun para dalawin ang kapatid niya.

Pagdedepensa pa ni Vice sa isyu: “Sa liit ng isla, imposibleng hindi kami magkikita doon” paliwanag pa niya.

Dahil sa romantic alliance nina Vice at Calvin, tila nagiiba na ang pananaw ng publiko about gay love.

Say ng komedyante tungkol sa pagiging-open ng publiko tungkol sa ganitong relasyon, mas gumagada ang pananaw ng mga tao tungkol sa ganitong klase ng relasyon.

Dagdag pa ni Vice tungkol sa “romance” nila ni Calvin na super saya ang estado ng puso niya dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klase ng pakikipagkaibigan sa isang tunay na lalaki na hindi siya ikinahihiya.

Calvin Abueva and Vice Ganda

Sa ngayon, busy si Vice sa pagtatapos ng MMFF 2018 entry niya reason kung bakit absent siya kung minsan sa noontime show or late ng dating sa show dahil bagong gising dahil paumagahan ang shooting ng pelikula.

Yesterday, Sunday December 2 ay nagkaroon ng fans day si Vice at ang cast ng MMFF 2018 entry niya sa isang theme park sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa pelikula, dalawa ang leading men ng komedyante – sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez together with the hottest love teams ngayon ng Kapamilya Network na sina MayWard, DonKiss at LoiNie kasama sina Ryan Bang at Jaclyn Jose.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.