Mabigat na kaparusahan kontra pekeng kwalipikasyon

NAGBIGAY-BABALA SI Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagnanais magtrabaho sa Singapore na huwag magsinungaling sa kanilang kwalipikasyon o credentials, dahil pinaigting ng Ministry of Manpower ng nasabing bansa ang prosekusyon sa mga banyaga na nagsumite ng pekeng kwalipikasyon upang makapasa sa trabaho.

Ginawa ng kalihim ang nabanggit na babala matapos maglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Singapore sa mga OFWs sa nasabing bagay.

“The Philippine Embassy is reminding Filipinos applying for employment in Singapore to ensure that they submit proper academic credentials prior to employment,” pahayag ni Baldoz ayon sa ipinadalang advisory ng Philippine Overseas Labor Office sa Singapore.

Matatandaan na sa isang pagsusog noong nakaraang taon sa ilalim ng Employment of Foreign Manpower Act of 1991 (EFMA), nagpataw ang Singapore multang 20,000 Singapore dollars (P690,000) at dalawang taong pagkakakuong sa mga dayuhang manggagawa na nagsumite ng pekeng dokumentasyon.

“It is also important for applicants to be wary of employment agencies that ask them to agree to the use of fake credentials. Under the enhanced EFMA, the burden of proof will shift to errant workers,” ayon sa advisory ng Embassy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.