Mabait at magaling na comedian, pa-mhin ang itinatagong karelasyon?!

HINDI PA NAMAN matanda, pero hindi na rin bagets ang mabait at magaling na komedyanteng itago natin sa screen name na Manuel Samson. Dahil sa kanyang edad ay patuloy na pinagdududahan sa showbiz kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nag-aasawa, at lalo na rin namang wala siyang ipinangangalandakang kanyang nagiging nobya, samantalang ang dami-dami naman niyang magagandang mga kaibigang artistang babae?

Mabait din siyang anak. Pero ang tagal-tagal nang ipinagmamalaki ng kanyang mommy, na sobra-sobra na ang pagtulong ng komedyante niyang anak sa kanilang pamilya. Kasi nga, single pa rin hanggang ngayon si Manuel. Pero may lumulutang na tsika ngayon: Diumano, ang komedyante raw ay may inatagong karelasyon, pero hindi babae, kundi isang bading na pa-mhin at may mataas daw na posisyon sa isang bangko. Sino ang komedyanteng ito? Wala na lang clue.  Kakanta na lang ako ng “Smoke gets in your eyes”.

(By Melchor Bautista)

loading...

9 thoughts on “Mabait at magaling na comedian, pa-mhin ang itinatagong karelasyon?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.