Mabait at ang guwapo-guwapo raw ng dyowa
Heart Evangelista, masuwerte raw kay Sen. Chiz Escudero

MAAARING MAY mga hindi pabor sa relasyon nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. Pero may mga tila kinikilig din naman habang sinusubaybayan ang bawat kaganapan sa love story ng dalawa.

“Nakakatuwa!” reaksiyon nga ni Heart nang matanong namin hinggil ditto. “But at the same time, there’s also a time na parang you also have to… parang abangan din kung ano ang mga nangyayari sa mga individual naming buhay at trabaho. I also don’t want to bring so much showbiz into the worl of politics. Kasi, siyempre parang… siya na si Chiz Escudero. Nahihiya ako kung minsan na nahahaluan siya ng showbiz. ‘Di ba? Napaka-seryoso niyang tao. Tapos biglang may chika here and there. So minsan, nahihiya ako.

“But it’s nice that people accept and appreciate and gets kilig. Pero at the same time, we both feel that we both need to also be looked at as individuals. Not always as a pair,” nangiti pa niyang pahayag.

Marami ang nagsasabi, masuwerte raw siya sa pagkakaroon ng boyfriend na gaya ni Senator Chiz.

“Masuwerte rin naman ako sa kanya, ah! Masuwerte din ako kay Chiz, ‘no? Masuwerte ako kay Chiz dahil ang bait at ang guwapo-guwapo niya.”

Lately, natsitsismis na secretly married na raw sila. Mariin naman itong itinanggi ni Heart.

“Ah, hindi. And wala akong puwedeng maging reaction diyan. Nakakatawa. Ia-announce ko naman, eh. I’m so open with my life. Uhm… not exactly super-open. But I never really lie. Or I don’t directly answer the question if hindi naman tinatanong. But I wouldn’t lie about that. Definitely, it’s something na hindi ko itatago o ililihim kung sakali.

“Pero marami pa kaming puwedeng gawin. Kaya… wala pa. Wala pa talaga. But it’s something that I wouldn’t hide,” paniniyak ni Heart. Rubbing

Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Mabait at ang guwapo-guwapo raw ng dyowa
Heart Evangelista, masuwerte raw kay Sen. Chiz Escudero

Leave a Reply

Your email address will not be published.