Mabagal na paglilibing sa Yolanda victims, dinipensahan ng DoJ

DINEPENSAHAN NG Department of Justice (DoJ) ang mabagal na paglilibing ng mga bangkay ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa lalawigan ng Leyte.

Sinabi ni DoJ Secretary Leila de Lima na may kaakibat na pagiging accurate ng impormasyon para mapadali ang proseso sa cadaver identification.

Kabilang sa tinukoy na dahilan ng kalihim sa mabagal na pagkilala ng mga katawan ng mga biktima ng kalamidad ay ang sobrang pag-decompose ng katawan ng biktima.

Ayon kay De Lima, dapat kasing masiguro na ang bangkay ng isang biktima na makilala ng NBI ay dapat na mapunta sa kinauukulang pamilya.

Isa rin sa itinuturong dahilan ng NBI sa mabagal na pagkilala ng mga bangkay ay ang pag-ulan sa Tacloban at mga apektadong lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.