Maba-Bypass na CabSec, Ire-Reappoint

MAAARI PA rin umanong i-reappoint ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang mga miyembro ng Gabinete nito na mabibigong makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA), bago ang pagtatapos ng 15th Congress.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na muli pa ring hihirangin ng Pangulo sina Justice Sec. Leila de Lima, Social Welfare Sec. Dinky Soliman at Environment Sec. Ramon Paje na patuloy na napapaso ang appointments.

Sa ngayon, tiwala si Valte na matutugunan ng tatlong opisyal ang mga isyung hinihingan ng paliwanag sa kanila ng mga mambabatas.

Samantala, ngayong linggo na lamang ang huling sesyon ng Kongreso bago ang kanilang break para bigyang-daan ang pagha-handa ng mga mambabatas at kongresista sa nalalapit na halalan.

Sakaling mabigo ang mga Cabinet member na makumpirma ng CA bago ang sine die adjournment sa Hunyo, tuluyan nang maba-bypass ang appointment ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.