Maayos at Mapayapang Undas, Siniguro sa Navotas

SISIGURUHIN NG Pamahalaan Lungsod ng Navotas na maging maayos at mapayapa ang paggunita sa Araw ng mga Patay sa lungsod.

Ipinag-utos na ni Naovtas Mayor John Rey Tiangco sa City Traffic and Parking Management Office, Task Force Disiplina at Philippine National Police – Navotas ang pagroronda o pagbabantay sa tatlong  sementeryo sa lungsod, ang City Cemetery, Catholic Cemetery at Immaculate Garden, na matatagpuan sa kahabaan ng Governor Pascual St., Barangay San Jose, Navotas kung saan marami nang naglilinis ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Magiging mahigpit din ang seguridad at kaayusan sa mismong araw na ito sa tulong ng mga nasabing ahensya at iba’t ibang volunteers na magpapatupad ng mga ipinagbabawal na gawain sa loob ng sementeryo tulad ng pagdala ng matutulis na bagay, pagsusugal, pag-inom ng alak at paggawa ng malakas na ingay habang ginugunita ang nasabing okasyon.

Ngayon pa lamang ay inatasan na ni Tiangco ang Public Information Office na magsagawa ng information drive upang ipagbigay-alam o ipaalala sa mga Navoteño ang mga nasabing bawal na mga gawain.

“Nais nating maging payak at tahimik ang paggunita sa mga namayapa nating mahal sa buhay,” ani ni Mayor Tiangco.

Sa ika-31 ng Oktubre, isasara na ang kahabaan ng nasabing kalsada sa trapiko, mula Bacog St. hanggang R. Padilla St.

Sa ilalim din ng direktiba ni Tiangco, buong puwersa ang Health Emergency Management Staff at Liga ng Kalinisan ng Navotas ng lungsod sa anumang ‘di inaasahang sakuna sa araw na ito at upang mapanatili ang kalinisan dito.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.