Maangas na pulis!

• 0916352xxxx – Idol Raffy, nais ko pong ireport sa inyo ang isang maangas na pulis dito sa lugar ng Barangay, Mayamot, San Juan, Rizal, Antipolo City. Ang kanyang pangalan ay PO1 Jeremiah Feliciano. Bago lamang po sa serbisyo ang pulis na ito pero marami na siyang hindi magandang gawain. Ang isa sa mga ginawa niya ay ang pambubugbog ng isang dayo rito sa aming lugar dahil hindi niya nagustuhan ang hitsura ng mukha, dahil siya ay lasing. Mabuti na lamang po at naawat ng kanyang mga kainuman. Madalas niyang sinasabi na wala siyang kinatatakutan at hindi siya matatanggal sa pagkapulis dahil malakas ang kanyang kapit sa PNP. At noong nakaraang bagong taon nagpapaputok siya ng baril kahit na ito ay ipinagbabawal. Sana po ay mabigyan ng leksyon ang mga katulad nitong abusadong pulis. Maraming salamat po.

 

• +63935367xxxx – Mr. Tulfo, sana po ay maimbistigahan ang isang hepe ng mobil. Ito pong taong ito ay palaging lulong sa droga. At ang kanyang tagakuha ng droga ay ang isa sa kanyang mga tauhan. Dapat po itong magpa-drug test sa harap mismo ng kanyang pinuno. At siguradong makukumpirma na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot. More power po sa inyong show. Mabuhay po kayo.

 

• +63915993xxxx – Sir Raffy Tulfo, pakisita naman po ang mga pulis ng Dasmariñas, Cavite. Sa SM Dasmariñas traffic light, napakarami po ang mga bata, matanda na mayroon pang kasamang sanggol na namamalimos sa gitna ng kalye na hindi alintana ang malakas na ulan. Nakakalat po ang mga pulis na nakadestino sa lugar na ito at hindi man lamang nila sinasaway ang mga pobreng ito. Malaki po ang posibilidad na mayroong madisgrasya rito. Hihintayin pa ba nila na mayroong madisgrasya bago kumilos ang mga kinauukulan. Sana po ay bigyan ninyo ng simpatiya ang bagay na ito.

 

• +63916120xxxx – Mr. Action Man, irereklamo ko po ang garapalang panghihingi ng pera ng mga traffic security sa mga driver dito sa Araneta jeepney terminal. Nagpapasakay po sila ng mga pasahero sa hindi tamang lugar at doon ay hihingan nila ng pera ang mga driver. Madalas na ginagawa ito ng mga abusadong pulis na nakadestino rito. Wala silang pakialam kung makaistorbo sa ibang mga motorista basta ang importante ay mabigyan sila ng pera. Sana po ay masugpo na ang mga taong ito. Maraming salamat po.

 

• +639326767810 – Idol Raffy, nagkalat po ang mga bata at matanda rito sa kanto ng Laloma at Bluementritt. Ang mga tinatawag na punas kotse dito sa lugar na ito ay talagang nakakaperhuwisyo. Kapag tinapatan nila ang iyong kotse, pupunasan nila ito ng dala-dala nilang basahan. At pagkatapos hihingi sila ng pera at kapag hindi ka nagbigay papaluin nila ang iyong sasakyan at babaliin nila ang side mirror sabay takbo. Dapat pong mahuli at ikulong ang mga taong ito. Sana po ay maiparating ninyo sa kapulisan ang problemang ito. Maraming salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 p.m. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV Channel 41. Para sa inyong mga sumbong maaaring mag-text sa 0917-7-WANTED o kaya sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.