Maagang Pagpasa ng Nat’l Bugdet, Tiniyak

KUMPIYANSA SI SENATE committee on finance chairman Sen. Franklin Drilon na mapapaaga ang pagpasa ng Senado sa panukalang P1.816 trillion national budget para sa taong 2012.

Sinimulan na kahapon ng mga senador ang plenary sessions para sa pagtalakay ng national budget.

Target umano nilang tapusin ang plenary debate sa Biyernes para kaagad itong maisalang sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo, ayon kay Drilon.

“We are targeting finishing the debates on Nov. 18, and approve the budget on third and final reading on Nov. 21,” dagdag pa ni Drilon sa isang kalatas.

Sa pagtaya pa ng mambabatas, maaari umanong gawin ang bicameral conference committee sa November 23 hanggang 28 para ayusin ang magkaibang bersyon ng Senado at House of Representatives sa General Appropriations Act for 2012.

Bago ang Christmas holidays, tiwala ang opisyal na maisusumite na ng Kongreso ang budget proposal sa Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III para ito malagdaan at maisabatas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.