Ma-threaten kaya si Shaina…

TUWING TINATANONG NG entertainment press ang young star na si Julia Montes na gumaganap na Clara sa top-rating serye ng Dos na Mara Clara about love issues and relationships eh, tanging ngiti lamang ang niasasagot ng magandang young actress dahil bata pa raw siya at hindi pa akma para sa

kanya ang mga ganitong katanungan. Haleer? Bawat artista eh, dumaraan sa mga ganitong uri ng isyu lalo na sa mga kabataang artista. Natural lang ‘yan, ‘teh, kaya huwag nang maarte, chos!

May mga limitasyon din daw sa mga role na kaya niyang gampanan gaya ng kissing scenes na ‘di pa niya sa ngayon pero ‘yun daw mga kilig-kilig anik-anik eh, medyo ready na siya. Inamin din ng dalaga na si Papa John Lloyd Cruz ang ultimate crush nito. Gan’un? Idol daw ni Julia ang kapogian ni Papa Lloydie at kung minsan nga eh, iniisip pa ng girlash na magkaeksena silang dalawa at kinikilig-kilig pa, haha!

Ang pag-ibig nga naman. Naku, alam ba ‘yan ng real life girlfriend ni Papa Lloydie na si Shaina Magdayao? Aagawan mo pa ang Ate Shaina mo, ‘teh. Kabugin mo kaya si Alyna? Just wait and see, charot! (Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires)

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.