Luzon at Metro Manila, niyanig ng lindol

SUNUD-SUNOD NA mga aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng magnitude 6 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Phivolcs, naitala ang pagyanig ganap na als-6:20 ng umaga. Sa latest seismic events na naitala ng naturang ahensiya, naramdaman ang magnitude 3 na aftershock sa bahagi ng Candelaria, Zambales.

Una rito, niyanig ng Intensity 4 quake ang lugar ng Makati City; Bolinao, Pangasinan; Candelaria, Zambales; Dagupan City at Villasis sa Pangasinan, kasunod ng magnitude-6 quake, alas-6:18 ng umaga.

Habang Intensity 3 naman ang naramdaman sa Quezon City, San Fernando, La Union at Iba, Zambales.

Intensity 2 naman ang naitala sa Bacoor, Cavite at Plaridel, Bulacan.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa naturang mga pagyanig.

Natukoy ang epicenter nito sa 94 kilometro (58 miles) timog-kanluran ng Dagupan; 109 kilometro (67 miles) hilagang kanluran ng Olongapo City o 182 kilometro (113 miles) hilagang kanluran ng Maynila.

May lalim itong 35.3 kilometro (21.9 miles) at posibleng masundan ng aftershocks.

Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng lindol o resulta ng paggalaw ng fault line sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Samantala, hindi naman nagtaas ng tsunami alert ang Phivolcs.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.