Luy: Si Napoles ang Mastermind

TAHASANG INIHAYAG ng whistleblower na si Benhur Luy na si Janet Lim-Napoles ang mastermind sa kanilang mga transaksyon sa pork barrel fund scam.

Ito ay taliwas sa ilang impormasyon na may nasa likod umano si Napoles na nagdidikta sa kaniyang mga ginagawa.

Sa pagtatanong ng mga mambabatas, inisa-isa ni Luy ang kanilang mga ginagawa mula sa pakikipag-usap sa mga senador, followup sa mga staff at pagkuha ng pondo mula sa pork barrel.

“Si Napoles po ang mastermind… Noong pumasok ako sa office, ang kalakaran ay ang lawmakers ay ang pumupunta sa office para i-alok ang PDAF nila,” ani ng whistleblower.

Samantala, inamin din nito na nagulat siya matapos mabalitaan sa ulat ng Commission on Audit (CoA) na hindi lang ang grupo ng kanyang kamag-anak na si Napoles ang may mga bogus na non-governmental organizations (NGOs) na pinaglalaanan ng pondo ng mga mambabatas.

“Nagulat nga po ako noong nalaman ko sa CoA na may iba pa palang NGOs. Kala ko kasi kami lang ang gumagawa ng ganu’n,” ayon pa kay Luy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Luy: Si Napoles ang Mastermind

Leave a Reply

Your email address will not be published.