Lupit ni Lawin: 8 barangay, lubog sa Zambo Ginang, napaanak habang inililikas

DAHIL  SA maaksyong pangyayari bunsod ng paghagupit ng sama ng panahon na pinag-ibayo ng bagyong Lawin, isang ginang ang napaanak habang isinasakay sa rubber boat para ilikas sa Zamboanga City.

Ito ang kinumpirma ng mga rescuer na tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Managemeng Council.

Kasabay nito ang pag-lalagay sa state of calamit sa walong barangay na sakop ng lungsod dahil na rin sa grabeng pana-nalasa ng bagyo gaya ng pagbaha at malakas na alon.

Kabilang sa walong barangay na nasa state of calamity ay ang Barangay Labuan, Patalon, Tugbungan, Vitali, Mangusu, Barangay Tigtabon at iba pa.

Layon nito na magamit ang kani-kanilang mga calamity funds para matulungan ang mga sinalantang residente.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 1,000 pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation center sa siyudad.

Kagaad namang idiniretso sa Zamboanga City Medical Center ang ginang sakay ng ambulansya.

Bahagyang humupa na ang pagbuhos ng malakas na ulan ngayon subalit aasahan na matatagalan pa bago tuluyang maka-balik muli sa normal ang sitwasyon sa siyudad dahil marami sa mga residente ang nawalan ng mga tirahan at ari-arian.

Ang iba sa mga ito ay pansamantalang nakikisilong sa mga barangay, simbahan at mga paaralan.

Bandang alas-9 ng

gabi noong Linggo nang magtipon-tipon ang mga opisyal ng city hall na pinangunahan ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat at pagkatapos ang pagpresenta ng initial assessment ng danyos na dala ng matinding baha ay pormal na idineklara ang state of calamity para sa walong nabanggit na barangay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.