Lunch Box na May Shabu, Tinangkang Ipasok sa Kulungan

KASALUKUYANG PINAGHAHANAP ng mga kinauukulan ang asawa ng isang inmate na nagpasok ng lunch box na may lamang Shabu sa Benguet Provincial Jail.

Ayon kay Peter Tip-ac, OIC jailwarden ng naturang bilangguan, nakilala ang suspek na si Analyn Esteban.  Pumasok si Esteban sa Benguet provincial jail kamakalawa ng hapon at nagsabing dadalhan ng pagkain ang inmate na si Samir Gandalali, ani Tip-ac.

Gayunpaman, agad din itong umalis sa pagsasabing may importante itong kailangang gawin.  Dahil dito, sa pag-inspeksyon ng pulisya sa naturang baunan ay nakita ng mga ito ang sachet ng Shabu na nagkakahalaga ng P4,000.

Hinala naman ng mga awtoridad, ibebenta ito sa loob ng kulungan.

Samantala, agad na nakilala ang salarin sa pamamagitan ng larawang nakuha sa CCTV ng bilangguan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.