Lumang Problema, Sumalubog sa DepEd sa Simula ng Pasukan

INAASAHAN NA lumang problema pa rin ang sumalubong sa Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase o unang araw ng School Year 2013-2014.

Kabilang sa mga naging problema ng DepEd ay pagdagsa ng late enrollees, kakulangan ng mga silid-aralan, mga guro at libro.

Gayunman, inihayag ni DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo na kung ikukumpara noong nakalipas na taon ay mas kaunti ang natanggap na reklamo ng DepEd Command Center ngayong taon.

Sinabi ni Umali na ilan sa mga reklamong natanggap nila ay ang problema ng mga estudyante na nagta-transfer mula sa private patungong public schools at mga kakulangan ng mga enrollment credentials.

Dahil sa mga late enrollees sa unang araw ng klase ay maraming guro ang hindi nakapagturo dahil kinailangan pa ni-lang asikasuhin ang mga estudyante na ngayon pa lamang nagpapatala.

Ayon pa kay Mateo, unti-unti nang nababawasan ang kakulangan sa mga guro at mga silid-aralan matapos na mag-hire ng karagdagang mga guro at magpatayo ng mga silid-aralan ang DepEd.

Nabatid na noong Pebrero ay kumuha ng 33,900 guro ang DepEd at mayroon pang 35,000 volunteer teachers, kabilang pa ang 37,000 educators na babayaran naman ng lokal na pamahalaan.

Samantala, nabawasan na rin ang classroom shortage na dati ay 66,800 noong 2010 ngunit ngayon ay 32,900 na lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.