Lumang bomba, narekober sa construction site sa Quezon

ISANG VINTAGE bomb o lumang bomba ang nahukay sa isang construction site ng gasolinahan sa Sitio Mahabang-Tanaw, Brgy. Malupak, Lucban, Quezon.

Ayon kay  SPO3 Cesar Zaide ng Lucban MPS, bandang alas-10:00 kahapon ng umaga nakatanggap sila ng tawag sa telepono tungkol sa  naturang bomba.

Dahilan upang agad na rumesponde kasama sina PO2 Nelson dela Rosa at PO2 Gilbert Garcia sa nasabing lugar.

Base sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, aksidenteng nahukay ni Jun-jun Balane y Merle, 19, isang construction worker ang bomba .

Samantala, napag alaman na isang 81mm mortar ang lumang bomb.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Lukban MPS ang bomba subalit nabigyang impormasyon na umano ang SOLCOM Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa Camp Nakar, Lucena City para sa tamang disposisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.