Lumampas sa binababaan… Bus driver, binoga sa ulo ng pasahero, kritikal

AGAW-BUHAY NGAYON sa pagamutan ang isang bus driver makaraang barilin sa ulo ng isang ‘di pa kilalang salarin na pasahero ng una matapos umanong lumampas sa kanyang bababaan ang huli kahapon ng umaga sa Malabon City.

Inoobserbahan ngayon sa Fatima Medical Center, Valenzuela City, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa ulo ang biktimang si Renato Quejaro, Jr. y Rivera, 47, binata, ng ABC Townhomes, Holiday Hill, San Pedro, Laguna.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa suspek na inilarawan lamang na nasa 40-45 edad, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, naka-sombrero, at nakasuot ng brown jacket, checkered short pants at naka-tsinelas, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:55 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Cher Bus Transport na may plakang TYW-764 sa kahabaan ng Gov. Pascual Araneta Ave., Bgy. Potrero, Malabon City.

Ayon kay Nelson Mata, 37, conductor ng nasabing bus, sumakay ang suspek sa Cubao, Quezon City at pagdating sa naturang lugar ay bigla na lamang pinahin-to nito ang bus.

Subalit, lumagpas ng ilang metro ang bus, dito inilabas ng suspek ang dala nitong baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima sa ulo sabay baba at tumalilis na tumakas sa ‘di malamang direksyon dala ang ginamit na baril sa krimen.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan si Quejaro, kung saan habang isinusulat ang ulat na ito ay nasa comatose ito sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.