Lumalala na ang isyu ng hiwalayan
Lian Paz, may nadiskubre sa mga ginawa ni Paolo Contis

HINDI LANG ako sure, ang pagkakaalam ko nga-yong araw ang balik ni Paolo Contis galing Amerika.

Pero ang pagkakaalam ko, hindi na talaga siya magsasalita tungkol sa hiwalayan nila ni Lian Paz.

Parang lumalala na kasi ang gulo dahil may mga nadiskubre pa raw si Lian tungkol sa mga ginawa ni Paolo.

Kaya gusto ko munang kausapin ang alaga ko para mapayuhan kung ano ang dapat gawin.

Kung si Paolo ang masusunod, ayaw na niya talagang magsalita. Ayaw naman niyang lumaki pa ang isyu nila dahil ina naman daw ito ng dalawa niyang anak.

Pero apektado rin ang mga kaibi-gan nila dahil nanghihinayang din sila sa maganda nilang samahan noon.

Umaasa pa rin silang magkaayos ang dalawa at magkabalikan.

Pero ewan ko lang, kasi ang daming problemang dapat pa nilang ayusin. Siguro mabuting palamigin na muna nila at baka nga maayos pa.

Gusto na muna ni Paolo na mag-focus sa trabaho niya. Diretso na siya sa taping ng Aso ni San Roque at tuluy-tuloy na  ang trabaho niya.

Ganu’n din yata si Lian dahil abala naman siya sa trabaho niya sa Full Circle at sa taping ng Enchanted Garden.

Dapat nga nilang magtrabaho nang husto para sa mga anak nila. Hay, naku!

 

NAKU! HANGGANG ngayon pinag-uusapan pa rin itong Bench Universe na sinalihan ng mga kilalang artista na endorser nila.

Si Coco Martin nga raw ang nasa finale at talagang pinalakpakan nang husto.

Pero siyempre ang pinag-usapan sa GMA-7, mga Kapuso stars na mainit naman ang pagtanggap sa kanila.

Sa second night na show nito ay mas maraming nanood at mas bongga ang ipinakita ng mga rumampang artista.

Pinag-usapan nila ang paghubad ni Aljur ng pantalon niya at naka-underwear ito ng Bench kaya tinilian nang husto.

Bongga na rin, ‘di ba?

Si Dingdong Dantes naman ay suportado ng pamilya niya at ni Marian Rivera siyempre.

Umiwas lang sila sa mga gustong mag-interview sa kanila dahil parang nagmamadali silang umalis.

Ang isa pa raw na nakabantay roon nang husto ay ang dating boyfriend ni Maxene Magalona na si Neil Arce.

Si Bela Padilla ang binabantayan niya roon. Mukhang tinamaan nga nang husto itong Neil kay Bela, ah!

Sa mga tweet daw nito ay halatang in love na in love kay Bela.

Sabi naman ni Bela, nasa getting to know stage pa lang daw sila, pero masaya raw siya.

Napanood n’yo naman siguro sa Startalk nu’ng Sabado na kitang-kita sa mga kilos nila na may something talagang namamagitan sa kanila.

Sabi naman ni Bela, nagkausap daw sila ni Maxene at okay naman daw sila.

Kung sa bagay, mukhang happy naman si Maxene sa anak ni Lorna Tolentino na si Renz kaya keber na ba niya!

Ito namang si Maxene, sinasabi niyang friends lang daw talaga sila ni Renz. Kung friends lang nga sila, eh ‘di friends!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “Lumalala na ang isyu ng hiwalayan
Lian Paz, may nadiskubre sa mga ginawa ni Paolo Contis

  1. Ang nadiskubre pala ni Lian Paz kay Paolo ay ang pang Ha Hunting nito ng Lalake sa Luneta… It means na nagladlad na rin ng KAPA si Paolo.. Kaya nagdesisyon na lang si Lian na hiwalayan si Paolo. Welcome to Federasyon Paolo,,, U’r new name is Paolingling.

Leave a Reply

Your email address will not be published.