Lumabag sa Gun Ban, Lumobo na sa Mahigit 1,000

NABABAHALA NA ang pambansang pulisya hinggil sa paglobo ng bilang ng mga baril na nakukumpiska ng PNP sa ipinapatupad na gun ban na umakyat na sa mahigit 1,000.

Base sa ipinalabas na datos ng PNP, umaabot na sa 1,009 na mga baril ang nakumpiska ng mga awtoridad, 1,041 katao naman ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.

Sinabi ni Cerbo na ang mga nakumpiskang baril ay puwede nang maarmasan ang isang batalyon na pulis o sundalo.

Sa ngayon, sa 1,041 na kataong naaresto, 945 rito ang sibilyan, 14 ay mga government official, 13 ang pulis, 61 security guards, habang lima ang sundalo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.