Lumabag sa Election Gun Ban, 15 Na

UMAKYAT NA sa 15 ang bilang ng mga naitalang lumabag sa election gun ban mula nang mag-umpisa ito noong Linggo.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo, tatlong lalaki na ang nahuling lumabag dito sa Metro Manila.

May tatlong iba pa ang naaresto sa Region 1 habang dalawa ang arestado sa Region 3.

Tig-dalawa rin ang nahuling lumabag sa Region 4-A at Region 6 habang may tig-iisang naaresto sa Regions 7, 9 at 11.

Samantala, isa na ang nai-report na nasawi nang magsimula ang gun ban. Ito’y si Fernando “Pandoy” Morales na sinasabing naging tauhan ni Vic Siman na napatay ng mga awtoridad matapos umanong manlaban sa kanila sa San Juan, Batangas.

Umaabot naman sa 16 na iba’t ibang baril ang nakumpiska ng mga kinauukulan.

Samantala, hindi pa kasama sa nasabing bilang ang pitong holdaper na nahuli ng Quezon City Police District (QCPD) kamakalawa ng gabi, magkasintahang nahuli sa Parañaque at riding-in-tandem na nasawi sa Maynila matapos masita sa isang checkpoint.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.