Luis Manzano, type na bine-baby ni Jennylyn Mercado

SA WAKAS ay inamin na ni Luis Manzano ang tunay nilang relasyon ni Jennylyn Mercado. Sinabi rin kamakailan ni Kris (Aquino) sa kanyang programa na Kris TV that Luis admitted na may anniversary na sila ni Jennylyn.

Masaya namang ibinahagi ni Luis ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig during the pictorial of his new teleserye Alta. “Sabi ko nga, life has its way of surprising us pero we still have a long way to go. Kumbaga before, we had our feet sa gray area, pero ngayon we know where we stand.”

Luis shared how that day became special for both of them. He said it was a nice moment. The Buzz asked him kung sa pakiramdam ba niya ay sasagutin siya ni Jen that time noong tinanong niya ito kung sila na. “Medyo okay naman. Medyo kampante naman. Naniguro lang iyon.” But how did he know that that was the right time? “’Di ba sinasabi nga nila when everyone was asking ,ang sinasabi ko when the time comes mangyayari iyon.”

Ipinagmamalaki ni Luis si Jen dahil marami raw itong katangian na labis na nagpapasaya sa kanya. “She’s very malambing at maalaga. She bakes and cooks for me. Mga once or twice lang yata ako nakapagluto sa kanya. Kahit gaano pa tayo katanda o ka-jaded sa pagmamahal meron pa rin tayong inner baby na gustong inaalagaan.”

Sinabi noon ni Luis na hindi isang mala-king isyu para sa kanya ang pagkakaroon ng anak ni Jen. When asked about Jen’s son Alex Jazz, “Of course, I’ll always be a tito. I will never assume a father role. Respeto ko kay Pat (Patrick Garcia) naman iyon.”

Masaya ngayon si Luis dahil maganda ang takbo ng kanyang career, family, at lovelife. “Well, obviously, I’m happy and it exudes sa aura mo. Marami ang nagsasabi na apparently blooming ako. So I guess iyong happiness na iyon it translates to how I am, how I act, how I talk. It gives you that extra umph, extra gusto.”

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang kani-lang magandang pagtitinginan na nagsimula early this year dahil sa kanilang madalas na pagkikita sa mga events at sa pagte-train ng Muay thai at Jujitsu. Wala namang nakikitang problema dahil maging si Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos ay pawang magaganda ang mga sinabi tungkol kay Jen nang interbyuhin ito kamakailan.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleKC Concepcion, susunod na kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa TV5?!
Next articleSam Milby, Mananatiling Kapamilya!

No posts to display