Luis Manzano, todo-effort sa muling panliligaw kay Angel Locsin! – Ruben Marasigan

HINDI ITINATANGGI NI Luis Manzano, talagang puspusan daw ang ginagawa niyang panliligaw ulit sa ex-girlfriend niyang si Angel Locsin.  At wala raw siyang hindi gagawin just to win her back in his arms again.

“Yes!” mariing sabi nga niya sa amin. “Kahit paano, I’m trying to work things out. So… hopefully, maayos sanang lahat.”

Bakit nga ba gusto niya ngayong magkabalikan sila? Ano ang na-realize niya?

“Eh, siyempre na-miss ko siya. Na-miss ko kung paano kami. Ah… so, ‘yon!”

Napagtanto rin ba niyang talagang mahirap maghanap ng isang kagaya ni Angel Locsin?

“Oo naman. Uhm… Angel is one of a kind. Ah… kumbaga, kaya nga gusto ko talagang maayos.”

Ano ba ‘yong pambihirang qualities ni Angel na sa palagay niya’y mahihirapan na siyang hanapin sa ibang babae?

“You know… kasi unang-una, napakabait ni Angel. Hindi ko naman sinasabi na wala nang napakabait sa mundo. Pero siguro kung paano kami sa isa’t isa.

“Kasi, I mean, alam naman ng lahat ng tao kung gaano kabait si Angel at kung gaano ka-ginto ang puso niya. Pero bukod do’n is siguro ay ‘yong paano kaming dalawa sa isa’t isa.”

Si Angel, may nasabing reaksiyon hinggil sa muling panunuyo nga ni Luis. Mahirap daw sa ngayon na pag-isipan ng aktres ang tungkol sa possibility na magkabalikan sila. Kasi anuman daw ang mangyari, may lamat na ‘yong sa kanila ni Luis. At parang mahirap nang mawala raw ang lamat na iyon.

“Eh, kahit paano naman, may mga pinagdaanan kami. Of course sabi nga namin, for a while medyo hindi naging maganda ang pinagdaanan namin. Siguro hopefully, may mga lamat naman na maaayos. Kaya nga sana… sana maayos.”

Pero sinasabi rin ni Angel na kapag nakipaghiwalay na siya, hindi na umano nakikipagbalikan pa ang aktres?

“Kaya nga… alam ko ang statement niyang iyon. Well sana, this will be a first (na makipagbalikan si Angel sa naging ex-boyfriend). Sana.”

Ang ina niyang si Batangas Givernor Vilma Santos, balitang nakasuporta talaga sa panunuyo niyang muli kay Angel.

“Si Mommy naman kasi, mahal na mahal si Angel. Si Mommy, eh, botong-boto kay Angel. Sabi ko nga, kahit hindi lang bilang girlfriend ko dati. Kundi bilang tao.

“Kasi alam ni Mommy kung gaano kabait si Angel. Kung gaano kabuting tao si Angel.”

For the record, si Angel lang yata among his ex-girlfriends ang tinatangka niyang balikan, right?

“’Yong pinag-isipan? ‘Yong ganitong klaseng effort? Oo!”

Effort na kay Angel lang niya ginagawa ngayon? Na sa ibang girlfriend niya, eh, hindi niya nagawa? Kay Angel lang talaga?

“Hindi. Siguro nagkaroon din ng mga on and off. ‘Yong mga gano’n. Pero itong kay Angel, puspusang effort din talaga.”

Hanggang kailan ang pag-i-effort niyang iyon kay Angel? May time table ba siya?

“Wala. Ang unfair ko naman no’n! Ako na nga ang nanunuyo, tapos ako ‘yong may time table?”

Paano kung tumagal? Isa… dalawang taon, gano’n?

“Well hopefully, kumbaga kung gaano man katagal iyon, eh… maging maganda ang resulta para sa amin.”

What will make him quit?

“Kung nakikita kong wala na talaga. At siyempre kapag nagkataon na meron na siyang iba. Siguro respeto ko naman ‘yon.”

Mahal pa rin niya si Angel?

“Oo naman. Wala namang ibang rason para manuyo ulit. Siyempre binabalikan ko siya, siyempre nando’n pa rin ‘yong feelings. At kahit paano, gusto ko rin namang ibalik sana ‘yong dating feelings sa amin.”

Puwede ba niyang masabing si Angel ang pinaka-minahal niya?

“Siguro. That’s a very safe assumption.”

Paano ba ang panliligaw na ginagawa niya ulit kay Angel ngayon?

“Sa amin na lang iyon. Pero kumbaga, it’s back to basics.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Luis Manzano, todo-effort sa muling panliligaw kay Angel Locsin! – Ruben Marasigan

Leave a Reply

Your email address will not be published.