Luis Manzano, sigurado na ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado

PINANGHAHAWAKAN PA rin talaga ni Luis Manzano ang kanyang mga karapatan at mga dahilan bilang karelasyon ni Jennylyn Mercado para maging masaya at patuloy na ipaglaban si Jennylyn sa sino mang gustong manira sa kanilang pagmamahalan.

Maingat na talaga ang anak ni Gov. Vilma Santos-Recto sa pag-aalaga ng relasyon. Hindi niya hinahayaang sirain sila ng kung anu-ano lang intriga, dahil mayroon siyang sariling pamamaraan para mas lalo pang ma-kilala si Jen sa sabi-sabi lang ng mga kakontra ng magandang aktres.

Si Luis ang unang natuwa nitong malinis na ang pangalan ni Jennylyn sa pagkakadawit nito nu’ng biglang pumutok ang tungkol sa hiwalayan nina Lian Paz at Paolo Contis. Maraming nagduda kung mayroon bang dapat na liwanagin si Jen tungkol sa isyu, pero mas pinili nga nito na huwag na lamang magsalita.

Nitong huli kasi, dahil na rin siguro sa kalituhan ng isip ay lumabas sa mga pahayag ni Lian, na non-showbiz ‘yung girl na isa sa mga dahilan umao ng naging gusot nila ni Paolo.

Parehong katahimikan sa ngayon ng kanilang relasyon ang hangad nina Jennylyn at Luis. Isinasaalang-alang ni Jen ang katahimikan ng lahat ngayon, dahil ayaw niyang lumaki ang kanyang anak na si Alex Jazz, na kung anu-anong intriga tungkol sa mommy niya ang madidinig.

Pagkatapos ng relasyon kay Angel Locsin, tiyak na talaga ni Luis sa kanyang sarili na maligaya siya kay Jen, kaya walang gusot na mababalita tungkol sa kanilang dalawa.

 

SOBRANG MAGANDANG pa-nimula sa showbiz career ni Vin Abrenica ‘yung pagkakapanalo niya bilang Best Actor sa Artista Academy ng TV5, dahil nagkaroon talaga iyon ng ingay na patuloy pa ring ipinagmamaktol hanggang ngayon ng kanyang mga tinalo.

Dahil din sa ingay na nilikha ng pagkakapanalo ni Vin ay hindi na lang siya ngayon tatawaging kapatid ng sikat na si Aljur Abrenica, na siyempre pa’y isa sa mga pambato ng GMA 7 ngayon.

Magkakaroon si Vin ng magandang laban sa showbiz. Oo nga’t kung pagkukumparahin ang hitsura nilang magkapatid ay halatang nakalalamang ng ilang beses na paligo si Aljur ng kanyang kaguwapuhan kumpra kay Vin. Kaya lang, may tulog naman si Aljur kapag napa-nindigan ni Vin ang kahusayan niya sa pag-arte, lalo pa’t kung ganda ng katawan bilang lalaki ay hindi sila nagpapanghuli ng kartada.

Si Aljur kasi, hanggang ngayon, kahit sikat na sikat siya ay marami pa rin ang nakukulangan sa atake ng kanyang pag-arte, dahil kulang na kulang siya sa emosyon.

Maganda pa rin ang kapalaran ni Aljur sa Siyete, dahil bida pa rin sila ngayon ni Kris Bernal sa teleseryeng Coffee Prince. Habang si Vin naman ay kaabang-abang ang magic sa kanyang career na gagawin ng nagpapabonggang TV5.

Kailangang ihataw nila ang career ni Vin, dahil kulelat pa rin naman ang Singko sa pagpapasikat ng mga baguhang artista na sila talaga ang tumuklas. Wala pa rin silang binatbat sa GMA at ABS-CBN pagda-ting sa pagpapasikat ng mga baguhang artista.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Luis Manzano, sigurado na ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado

  1. Kitang kita naman sa mukha ni Luis na happy siya. So happy na nakatagpo siya ng loving and caring na katulad ni Jen :) May God Bless their relationship :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.