Luis Manzano, sa taxi inilalagay ang kadatungan!

NAKAKATUWA SI LUIS Manzano. Puwede na ngang hindi na mag-alala sa kanya ang parents niyang sina Ate Vi at Edu Manzano kahit solo nang namumuhay ngayon ang binabati ni Ate Vi ng, “I love you, Lucky!”

Responsableng anak si Luis. Nakatira siya ngayon sa isang condo sa Ortigas habang ipinare-renovate niya ang house na bigay sa kanya ni Ate Vi sa Greenmeadows. Aside from that, alam n’yo ba na meron din siyang 72 taxi units na kumikita? ‘Pag nakita n’yo ang taxi na ang pangalan ay LRB, sa kanya ‘yon. “No, hindi lang ako ‘yon. Tatlo kami du’n, Mama Ogs. Mga friends ko, ako, si Luis, Ron at Bong.”

Ah, ok. Kahit pa sampu silang may-ari pa niyan, eh, ang mahalaga, marunong na siyang humawak ng pera. ‘Yan ang dapat tularan ng ibang kabataan. Si Luis ay hindi mahilig sa magagarang kotse. “Nasa investment lahat ang pera ko.”

“I DON’T LIKE the position! It’s better to say that I don’t like the position rather than say that I just don’t deserve the position!”

Kilala n’yo ba kung sino ang nagsabi nito? Isa siya sa mga tumulong sa kandidatura ni President-elect Noynoy Aquino, pero hanggang ngayon daw, hindi siya humihingi ng tulong.

“Just help the movie industry, masaya na ‘ko!” ‘Yan ang sabi niya. Pero kung aalukin siya ng puwesto like being the chairman of Optical Media Board na dating pinamahalaan ni Edu Manzano at ngayon ay ni Ronnie Ricketts, ayaw niya. “I can help naman by producing more movies. Masaya na ko n’yon.”

Palakpakan natin… Mother Lily Monteverde!

NAG-AAWAY RAW NGAYON sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez, dahil hindi alam ng huli na kinunan ng kissing scene ang anak niyang si Danita Paner kay JC de Vera sa 5 Star Specials ni JC sa TV5. Hindi kasi ina-allow ni Tita Daisy na sa first TV appearance nito ay may kissing scene agad. Pero saglit na talakan lang ang naganap at okay na ang dalawang mataray na nanay. Kaya ang ending: kahit paano, umingay ang show ni JC. Kaya sana, bongga ang ratings niyan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Luis Manzano, sa taxi inilalagay ang kadatungan!

  1. yes,luis is doing a great job in wowoweee! ang galing niyang mag host. kuhang kuha niya puso ng mga tao.

    • yucckkk…ganun ka katanga..walang tutulad kay willie sa masa..hirap na hirap si acheng luis nyo no…itsura nyang bading na yan..

  2. that’s good! masinop sa pera si luis. alam niya that showbiz is not forever kaya nilalagay niya sa magandang investment ang mga kita niya.
    luis is very,very happy with all the blessings he has been receiving.

    • di mo ba alam kaya nya ginawa yun pang display at pang pickup ng mga callboy sa quezon ave…para madali makakuha ng fafa,,noh>>>

  3. MAYAMAN KA NGA KUNG HINDI KA NAMAN MASAYA KASI DI KA NAGPAPAKATOTOO SA TUNAY MONG PAGKATAO.PARANG AKO.AYAW PANG MAG LADLAD.RAYMUNDING MUNDING MUNDING,

  4. Hello Ogie, Please let abs know that Luis is doing a wonderful job as Wowowee host. Sana si Luis na ang maging permanenteng host ng Wowowee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.