Luis Manzano, planado na ang proposal kay Angel Locsin

Angel-Locsin-Luis-ManzanoNAKAPLANO NA ang proposal ni Luis Manzano for marriage sa binalikan na girlfriend na si Angel Locsin.

Sa Aquino and Abunda Tonight last Wednesday, inamin ni Luis na si Angel na nga at wala nang iba. Sa katunayan, kung walang aberya, itong December niya balak mag-propose ng marriage sa aktres.

Say naman ni Batangas Gov. Vilma Santos, happy siya sa lovelife ng kanyang anak. Excited si Gov. Vi na matawag na Lola for All Seasons.

Pahayag ni Gov. Vi, “Malalaki na sila, alam na nila ang tama at mali. I trust my son Luis sa kanyang magiging decision.”

At regarding sa pagtakbo niya as vice-president ni Jejomar Binay sa darating na 2016 Presidential Election: “Hindi ko pa naiisip ‘yan. Ang dami ko pang tatapusin na mga obligations at responsibilities ko sa mga constituents ko sa Batangas. I still have more than two years to fulfill my promise sa kanila. Gusto ko pagkatapos ng term ko as Batangas governor, maganda ang sasabihin nila tungkol sa akin. Saka na muna ang politics. Public service muna, trabaho muna tayo,” pagkukuwento niya sa isang phone interview sa DZMM.

 

Sikat na female newscaster, nalululong na sa casino?

 

BLIND ITEM: sa Solaire Casino last Sunday during the PMPC Star Awards, nakausap namin ang isang casino insider. Ibinulong niya na matagal-tagal na raw hindi nakabibisita si Willie Revillame sa kanila. Pero ang latest. May isang female newscaster (sikat at popular siya) na regular na bumibisita sa kanila at ang peg nakasuot palagi ng scarf si female newscaster.

Ang tsika, medyo nalululong si female newscaster sa casino na impluwensya ng kapartner niya.

Abangan sa Lunes ang detalye.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Luis Manzano, planado na ang proposal kay Angel Locsin

Leave a Reply

Your email address will not be published.