Luis Manzano, next mayor ng lipa?!

MAAGA PA LANG noong Biyernes, parang gising na ang buong Batangas. Ito kasi ang pinakamalaking alay-lakad na pangungunahan ng kanilang gobernadora, ang Star For all Seasons na si Gov. Vilma Santos. Nagtitipun-tipon ang lahat ng participants sa Philippine National Police Headquarters ng Region 4 sa may Batangas City, halos may isang kilometro ang layo mula sa Provincial Capitol ng nasabing probinsiya.

Bago mag-alas-sais ng umaga, dumating na si Governor Vilma kasama ang kanyang anak na si Luis Manzano. Kasama rin nilang dumating sakay sa private bus ni Ate Vi ay ang isa sa mga panauhing pandangal nila na si Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts.

Sinimulan na agad ang alay-lakad sa pangunguna nina Ate Vi, Luis at Ronnie na naglala-yong makalikom ng pondo para sa mga out-of-school youths at mga gustong maging scholar na mga kapuspalad na mga kabataan sa probinsiya.

Sa venue ng programa sa Capitol grounds, humabol ang isa pa sa mga panauhing pandangal na si Cong. Manny Pacquiao at ang bokal ng Laguna na si Angelica Jones. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng mga dumalo dahil star-studded ang naturang event.

Nakausap namin si Luis habang nagkagulo ang mga tao sa pagdating ng Pambansang Kamao at inurirat namin sa kanya ang tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado.

“Well kung ano kami dati, ganu’n pa rin kami, so everything is okey,” sagot niya sa tanong namin kung nag-level up na ba ang kanilang relasyon.

Dagdag pa ni Luis, naipakilala na raw ni Jen sa kanya ang anak nito kay Dennis Trillo na si Alex Jazz. “Yup, nakilala ko na ang bata, pogi.”

Samantala, sa isang bahagi ng programa, ipinakilala ng emcee si Luis bilang ‘next mayor ng Lipa’. Ibig kayang sabihin nito ay nagpaparamdam na siya sa kanyang mga kababayan at talagang papasukin na niya ang mundo ng pulitika sa susunod na eleksiyon?

“Well, tingnan natin,” ang maiksi ngunit makahulugang sagot ng binata.

 

NAKAKATUWANG MAKAUSAP NAMIN muli ang isa sa pinakamabait naming nakilalang TV host na si Christine Bersola. Nagkasama kami ni Tintin last 2008 to 2009 sa TV show namin noon na Look Who’s Cooking sa dating ABC-5. Blocktimer ang programa pero marami ang naging viewers nito. Writer kami ni Tintin dito kaya naman na-kilala namin nang mabuti ang TV host.

Si Tintin ang host na walang kaproble-problema sa kanyang mga naging writers dahil isang basa lang niya sa script ay kuha na niya ito at kaya na niyang itawid ang buong episode ng programa. At noong Huwebes, sa presscon ng kanyang bagong endorsement na SmartSteps, muli naming nakausap si Tintin.

Inusisa naming siya kung bakit nga ba siya biglang nagpalit ng mobile number. “May stalker kasi ako, binibentahan niya ako nang kung anu- ano. Hanggang sa dumating sa point na pinagbabantaan na niya kami. Alam daw niya kung nasan si Anya (Antonia, ang panganay na anak nila ni Julius Babao). Alam din daw niya kung saan-saan ang schedule ni Julius. ‘Di ba nakakatakot siya? Hanggang ngayon, nakikita pa rin namin siyang nakasilip sa bakod ng ABS-CBN sa tuwing nagpo-programa kami ni Julius sa DZMM.”

Pero dagdag pa ni Tin, hindi naman daw sila kumuha ng bodyguards dahil naniwala naman daw sila na kapag wala kayong ginawang masama sa kapwa n’yo, hindi naman daw kayo pababayaan ng Diyos. Sa ngayon, nakapirma na ng kontrata si Tintin sa TV5 at kaninang umaga nga ay napanood na natin siya sa Kumare Klub, kasama sina Amy Perez at Chiqui Roa-Puno.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops to arnielcserato@gmail.com

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “Luis Manzano, next mayor ng lipa?!

  1. ano yan another form of dynasty? anong credentials ni luis manzano para maging mayor? nawala ang credibility ni luis nung nagtweet si angel tungkol sa kalokohan nya, meaning, may itinatagong hindi magandang ugali si manzano.

  2. Si luis? Mayor? Baka first lady ng lipa! …hihihi…pogi daw yung batang anak ni jen, huli na naman sa bibig ang dalaga ni ate vi….syokla talaga!

  3. nagtatanga-tangahan n nmn ang mga taga hatid ng balita ng pinoy paparazzi.
    kelan pa nagkaanak si dennis trillo kay jennylyn???? prng dati rin eh.. si royet daw, pro si rommel and nasa picture… amp!. mga tanga!. literal na chismis lng tlg alam nyo!

  4. Di ba iito dumadaan sa editing bago nila ilabasl ang article lol! Dami ninyong kapalpakan ngayon.even just one word pag mali nag iiba  na ang meaning. Be efficient naman pls. Go back to luis  pwede ba mag host ka na lang. Kung mag mayor ka ng lipa hay umpisa na ang political dinasty ng family ni ate  Vi. Hay! Only in the philippines. Kailan kaya masusunod ang mga rules sa Constittution na isa lang sa familia ang pwedeng tumakbo. Mga gahaman sa  position.

  5. oo na lang rin ako.,.kay patrick garcia may anak si jen!…nalito lang yung writer..tao lang nagkakamali rin…pwede naman diba?!

  6. Oo nga, dapat anak ni Patrick Garcia hindi kay Dennis Trillo, Editor take note please sa mali dito. Yong article din ni Tita Swarding napasama sa artile ni Lolita Solis. Ano ba itech, baka ang Editor hindi nabilhan ng coffee at yon inaantok na!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.