Luis Manzano, nasasapawan si Billy Crawford!

OLA CHIKKA! NOONG Miyerkules ay napadpad ako sa bakuran ng ABS-CBN upang mag-taping ng Panahon Ko ‘To (PKT). Nakatutuwa lang at ang dami kong naispatan at nasagap na chikka!

At unang-una sa aking napatunayan lalo na at nakita ko sila sa personal ay itong tambalang Melason. Hindi ko talaga lubos maisip na magkakatuluyan itong si Melai Cantiveros at Jason Franciso. Hindi naman sa panlalait, huh, hindi bagay si Melai kay Jason dahil ang pangit niya, parehas kami! Ha-ha!

Ang bagay kay Melai ay itong si Long Mejia dahil parehas silang patawa. Wala pang ginagawa eh, nakakatawa na!

Nakatutuwa namang pagmasdan itong magkapatid na Assunta at Alessandra De Rossi, dahil matapos ang iba’t ibang dahilan ng pag-aaway nila noon, sobrang sweet na nila ngayon. As in, nagkakandungan pa sa pag-upo habang nag-i-start ang taping.

NAPATUNAYAN KO NAMAN mismo sa aking sarili na hindi totoo ang chikka tungkol dito sa host ng PKT na bading daw. Sino pa? Eh, ‘di si Luis Manzano. Bakit ‘ka mo?! Eh, kitang-kita n ang may alaga talaga siyang bird! Malayo pa lang maaaninag mo na dahil nakaumbok. Ha-ha! Joke lang!

Bago kasi magsimula ang taping, nilapitan at binati niya ang lahat ng contestant lalo na ang mga matatanda tulad nina Bella Flores, Tiya Pusit at Pinky Marquez. Ako? Excuse me hindi pa ko matanda! Ha-ha! Lumapit siya at nag-bow sa akin, napaka-humble hindi katulad nitong co-host niyang si Billy Crawford na ang taba-taba at walang laban sa katawan niya. At kung papanoorin mo naman sa telebisyon, mas maganda talagang tingnan itong si Luis at mas magaling mag-host. Imbes na mag-approach sa mga contestants or manahimik na lang itong si Billy, patuloy ang pagbibiro niya na hindi naman nakakatawa.

Mayroon kasing audience doon na kamukha raw ni Arnel Pineda, pero sabi niya hindi raw si Arnel kung hindi itong si Jovit Baldivino daw ang kamukha. Kaya ayun, ginaya niya ang pag-awit ng bata, kumanta ng Faithfully na may paliyad-liyad pa at pa-sakang effect pa ang paa.

Sabihin nating ginagaya lamang niya ‘yung totoo ngunit hindi na dapat gawing katawa-tawa ang bagay ‘yun, dahil malamang mismong si Jovit ay hindi niya kagustuhang maging ganu’n.

Naku, huh! Nasasapawan na nga ba ni Luis itong si Billy pagdating sa looks, ugali at pagho-host?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong bagong love team na kung bigyan ng special treatment ay parang superstars na rin?

Sa taping kasi ng PKT ay napakaagang dumating itong super sikat na tambalan sa radyo, ngunit hindi sila isinalang agad dahil nagmamadali daw itong bagong love team dahil may taping pa kaya itong tambalan sa radyo ay sa susunod na episode na lang daw.

Parang unfair dahil ang tagal naghintay ng magkatambal sa radyo, samantalang itong late na bagong love team ang pinahalagahan. Sana hindi na lang muna nila ipina-guest itong bagong love team kung may iba pang schedule. Ha-ha! Daig ko pa director?

Kawawa naman kasi ‘yung tambalang naghintay ng ilang oras tapos hindi isasalang. Oh, kailangan n’yo pa ba ng clue sa bagong love team, eh hindi nga sila bagay para sa isa’t isa! Ha-ha! ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

15 thoughts on “Luis Manzano, nasasapawan si Billy Crawford!

  1. kung pangit s MELAi,kasarap maging pangit dahil sikat at maraming humahanga,maraming project…hahaha katawa ka…salamat sa comment mo nakkita ko ang kagandahan n MELAi dahil never nyang itinanggi na pangit sya…sino ung magaganda na walang tumitili pag may show? kay melai na ako..

  2. Ang kapal namang manlait nitong swarding na’to! hindi pangit si melai ano! ikaw ang sobrang pangit!!!! Maganda si Melai! Ikaw, mas pangit ka pa sa salitang pangit!!!

  3. bakla bakla kami alam naman ng buong showbis world minsan nagkikita pa kami sa gay bar di ba ate luis ladlad nah

  4. Ang babaw naman ng pagkatao mo Swarding. Kahihiyan ka sa mga bakla.

    Hindi bagay si Melai kay Jason? Dahil ang panget nia?Pareho kau?Ikaw lang ang panget, mandamay ka pa ng iba. As if naman ang guapo ni Jason. Di ako naguguapuhan sa kanya. Sa una lang, pero di naman pala ganun kaguapo. Si Melai naman, nung una kinabubwisitan ko dahil OA dating skin. Pero later, maganda pala habang tumatagal. At iba pala talaga pag nakilala mo.

    Me pagnanasa ka lang ke Jason. Dyus mi, aanuhin mo ang isang guapo? No wonder ang cheap ng nagiging image ng mga bakla. Kalowka!

  5. SANA GAWIN KA NG 5 DAYS A WEEK NG DZRH.TITA SWARDING TUTAL MAS PINAKIKINGGAN NGAYON ANG SHOBIZ SA KARADYUHAN DHAY!TAPOS NA PULITIKA NO.

  6. SIYEMPRE NAMAN MGA MAGAGANDANG BAKLA LAGING STAND OUT KAYA ANG SISTAH NATING SI LUISA BONGGANG BONGA.LUISSSSSSSS SINI BAGO MONG BOYFRIEND BALITA KO DHAY MACHONG MACHO

  7. I hate luis. Sya nlng laGi nagsasalita. Lahat nlng sa kanya, sa w0w0weE sya laGi ngtatan0ng, kawawang mariel. Sa PGT din, c0mMent sya ng c0mMent! Pati d2 sa PKT!

Leave a Reply

Your email address will not be published.