Luis Manzano, nagparinig sa panlalaglag ni Mariel Rodriguez!

USAP-USAPAN ANG TWEET NI Luis Manzano patungkol sa isang ‘kaibigan’.

“A friend to everybody is a friend to none.” Iyan ang simpleng banat ng tweet ni Luis. Sino raw ang pinariringgan dito ni Luis? ‘Wag na nating i-blind item.

Eh, sino pa nga ba kundi si Mariel Rodriguez. Hanggang ngayon daw kasi, hindi pa rin maka-get over si Luis sa “panggagago” umano sa kanya ni Mariel.

Ayon sa isang source, “Actually, matagal na ‘to. Nu’ng nagho-host pa lang si Luis sa Wowowee. Alam na ng lahat na nagli-live-in na sina Mariel at Robin.

“Nakarating kay Robin na muntik halikan ni Luis si Mariel on cam. Siyempre, knowing Robin, kahit ano, gagawin para patunayan kung gaano niya kamahal si Mariel.

“Tumawag ngayon ang Robin kay Luis at parang sigang tinanong si Luis kumbakit gustong halikan ni Luis ang girlfriend niya that time. Siyempre, si Luis, may-I-deny.

“Wala raw siyang matandaang eksenang gano’n sa Wowowee.  Ang ending: ‘yun pala ang ipinarating ni Mariel kay Robin. Kaya si Luis, hanggang ngayon, irita diyan kay Mariel, dahil nanlalaglag siya.

“Kahit itanong mo kay Toni Gonzaga, kay Anne Curtis, kay KC Concepcion, kay Angelica Panganiban… pinag-aaway niya ang mga tao, grabe. At kahit kaibigan niya, hindi rin niya ii-spare.”

Ganyan nga ang usap-usapan… ang tanong: Totoo ba ‘to, Mariel? Bukas ang Pinoy Parazzi sa iyong panig.

Previous articleKahit nakademanda na: Chokoleit, sige pa rin ang bira kay Cristy Fermin!
Next articleKasalang Robin-Mariel: Palabas Lang?!

No posts to display