LUIS MANZANO, NAGBILAD NA NAMAN NG PUWET!

HINDI NAMIN KINAYA ang “puwet” ni Luis Manzano sa Who’s That Girl? Palibhasa, flawless ang puwet ng bruho, kaya pumayag siyang ipakita ito sa pelikula.

“Ginawa ko na rin ‘yan dati sa Ang Cute Ng Ina Mo! Inulit ko lang dito. Ang akala ko kasi, ready nang makipag-sex sa akin si Anne (Curtis), kaya siya pumasok ng kuwarto niya. Eh, naghubad na ‘ko, kaya pagbukas ko ng kuwarto, andu’n pala ang family niya. Hahaha!”

Me plaster ba siya?

“Oo naman. Nakakahiya naman, andu’n ‘yung mga batang kapatid ni Anne. Ang sakit lang after the scene.”

Baket, tinigasan siya?

“Gagah, hindi. Ang sakit tanggalin ng plaster. Hindi kasi ako nakapag-ahit, eh. Kaya pati buhok, sumama. Sobrang sakit. Ganu’n yata talaga pag alang-alang sa sining!”

Ngayong araw na ang showing ng Who’s That Girl?, at merong isang eksena du’n na “kabugan ng acting” sina Eugene Domingo at Anne.

Aliw na aliw kami. Sa lakas ng tilian ng mga tao, hindi na namin marinig ang sagutan nila.

ISA PANG NAKAKALOKAH sa pelikula ay for the first time, itong si DJ Durano ay nagsuot ng masakit sa matang bulaklaking trunks.

Imbes na maelya kami kay DJ, tawa na lang kami nang tawa. Hahaha! Isang trying hard na caretaker ng mga condo units ang role ni DJ sa Who’s That Girl?

In fairness, tumatayming na rin siya sa comedy, huh!

At applauded si Ai-Ai delas Alas sa ending ng movie, huh! Nagtilian ang mga tao.

Nalungkot lang kami nu’ng sumulpot bigla ang isang aktor doon bilang cameo lang naman ang role niya, kaso, wala kaming narinig na tili.

Du’n mo masusukat kung “havey” o “waley” ang isang artista.

“SINASAMPAL-SAMPAL” LANG SA isang la-test pizza TV commercial, pero siya ngayon ay may concert sa April 2 sa Area 05 (formerly Ratsky Tomas Morato)? Totoo ba ‘to?

Yes, One Night Only With Lloyd Zaragoza, pero hindi ito “one-night stand,” ha? Para ito sa mga breast cancer patients na sinusuportahan ng Kasuso Foundation o ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc.

Sa mga hindi nakakaalam, isang taon ding tumugtog sa Hong Kong bilang vocalist ng isang banda si Lloyd bago siya maging isang character actor.

Naging sidekick ni Matt Evans sa Rosalka at ngayon ay sidekick ng bidang si Coco Martin sa Minsan Lang Kita Iibigin.

“Mas kinakabahan ako ngayon, dahil ‘yung acting, sanay na ‘ko, eh. Pero first love ko ang singing, kaya OA ako sa pagre-rehearse ngayon!”

For ticket inquiries (P500), pls call or text 0915-7765924. Guess n’yo kung sino’ng guests ni Lloyd? Bongga!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “LUIS MANZANO, NAGBILAD NA NAMAN NG PUWET!

  1. wala na bang alam na pang promo ang movie na yan kundi ang nagpakita ng pwet si luis? bakit hindi niyo ipromote kung anong klaseng istorya yan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.