Luis Manzano, itinangging nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado

BINIGYANG-LINAW NI Luis Manzano ang issue sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz na ang sinasabing dahilan ng split-up ng dalawa ay si Jennylyn Mercado, sa presscon ng pelikulang This Guy’s In Love With U, Mare nila nina Toni Gonzaga at Vice Ganda, mula sa box-office director na si Wenn Deramas.

Mariing itinanggi ng actor na nagkakalabuan na sila ni Jen, dahil nga nasabit ang pangalan ng dalagang ina sa issue. “Okay kami ni Jen, hindi totoo ‘yung balita na may problema kaming dalawa. For me, something we’re blow out of proportion lang. Nagsalita ako, nagsalita si Jen, nagsalita na rin si Paolo, wala talaga. Mas nakakagulat na apparently nagkakalabuan kami,” say ng actor/TV host.

Sinabi rin ni Luis na nagkausap na sila ni Paolo at nagkaliwanagan tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan ni Jen sa hiwalayan ng dalawa. “The only truth na nakita ko, yes, tinawagan ko nga si Lian. Para siyempre kung may lumalabas na kuwento, gusto kong marinig naman. Hindi ‘yung side ko lang, I have to hear all sides of the story as much as possible. Para sa akin, at the end of the day, the fact that we’re still together, we’re still okay, kung baga ‘yun na ‘yun. Hindi ako nagkakamali, nagsalita si Paolo. May nabasa ako na nakakahiya naman kay Luis. Kumbaga, para sa akin, enough na ‘yun. It’s more na ma-clear ang pangalan ni Jen. Kasi, kami ni Paolo, lalaki kami, mas madali pa ‘yung usapan na ganu’n, lalaki sa lalaki. Para sa akin, mas nagawa ni Paolo ‘yun instead, na mahiya siya sa akin. Siyempre, alam ko, Paolo has a lot on his mind. May mga kailangan pa siyang ayusin sa mga desisyon niya. ‘Yun naman ang nararapat gawin… ”

Bakit biglang nadawit ang pangalan ni Jen sa umiinit na hiwalayan nina Paolo at Lian? “Maging si Jen, ‘yun ang gusto niyang malaman. Ang alam ko lang, nagkasama sila sa Foot Bulilits, ‘yun lang ‘yun. Dumadalaw pa ako sa set nila,  nakakausap ko pa siya. May narinig na ako, ‘yung manager ko, never nag-investigate tungkol d’yan. When she told me, doon na ako nagkusa na gumawa ng paraan para malaman ang mga anggulo ng istorya,” paliwanag ni Luis.

Ano ang naging reaction ni Gov. Vilma Santos tungkol sa controversial issue na kinasasangkutan ngayon ni Jennylyn? “She was laughing about it, kasi alam niya, kilala rin niya si Jen,” turan ng binata.

Nagpaliwanag ba si Jennylyn about the issue? “Alam mo, noong lumabas pa lang ‘yun dati, I think, may sundot na ‘yung dati issue, hindi ako naniwala. Ako pa ang nagsabi kay Jen, it’s more… wala talaga. Hindi ko na hiningan ng paliwanag, ganoon ako kakampante,” mabilis na sagot ng actor.

Sinabi ni Luis na hindi nakaapekto sa relationship nila ni Jenny ang pagkakadawit ng pangalan ng dyowa niya. “Wala, not a single day, kaya nagulat ako, may condo…”

Marami ang nagsasabi na kaya hindi sumipot si Jennylyn sa presscon ni Dra.Vicki Belo dahil umiiwas itong mapag-usapan ang issue at isa raw ‘yun sa pinag-awayan ng dalawa. “Wala akong alam du’n, tumawag sa akin si Tita June, sabi niya parang, ‘is everything okay?’ Kasi, may presscon dapat si Jen na dadaluhan. Exact date, na-hospital si Jen, kung na-follow ‘yung twitter niya, nag-post pa siya, ‘I’m sick’. Kinagabihan before the presscon, nag-fever siyang bigla. Nagulat nga ako, pagtawag niya, may fever na siya. The very next day, sabi niya sa akin, gumising siya, masama ang pakiramdam niya. Sige, rest ka na lang sa bahay, after ten minutes nag-message siya na nasa hospital siya, nahirapan na siyang huminga,” kuwento niya.

Reaction ni Jen about the issue? “Wala, si Jen naman tinatawanan lang niya specially ‘yung walang basehan. So baga, natatawa siya. Bakit may ganoon? Mas nagtataka pa siya sa akin,” simpleng sagot ni Luis.

Palibhasa may tiwala sa isa’t isa kaya kahit binabato ng intriga ang dalawa, pinagkikibit-balikat lang nila ito. “I guess through time, getting to know each other, understanding the industry, may ganoon talaga.”

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Luis Manzano, itinangging nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado

  1. Pahindot talaga yang si jennelyn, kahit dyokla si luisa may burat din naman Ang bakla…pero siempre mas masarap pag tunay na barako like paolo

  2. hindi na ako naalarma dito dahil may dugong berde naman itong si luisa at hotdog rin ang hanap at hindi ang mani ni jen haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.