Luis Manzano, isinugod ulit sa ospital
Vilma Santos, ‘di sinipot ang diehard fans!

DAGSA ANG tao sa Trinoma Cinema 2 dahil sa special screening ng R-18 version ng The Healing na first horror movie ni Vilma Santos with Kim Chiu, Pokwang at Janice de Belen na idinirek ni Chito Roño under Star Cinema last Thursday.

Pero si Kim lang ang nakadalo sa screening na inorganisa ng Vilmanians. We heard na rin sa Vilmanian leader na si Jojo Lim, na nasa ospital ang Star For All Seasons at binabantayan si Luis Manzano na isinugod uli sa ospital dahil ‘di nawawalan ng lagnat. It turned out na ang sakit pala ni Luis ay gastro esophageal reflux disease o GERD.

Marami ang hindi nakapasok sa special screening ng The Healing na mga kabataan dahil R-18 version nga ang ipinapanood sa kanila. May version din ang pelikula na pang-13 years old and above.

So happened na talagang mahigpit ang mga guwardiya at talagang ipinairal ang R-18 rating ng MTRCB kaya kahit anong pilit ng mga magulang na Vilmanian na kasama ang kanilang dalagitang anak ay hindi rin pinapasok.

Anyway, para ‘di naman masayang ang pagpunta ng mga magulang na diehard fans ni Ate Vi, pumayag ang kanilang mga anak na maghintay na lang sa labas hanggang sa matapos ang movie para makapanood ang kanilang mga magulang.

Nakakatakot at mapapasigaw ka talaga sa mga eksena, kung saan bumagsak ang isang batang natusok sa matulis na bakal na unti-unting dumausdos pababa. May pinutol pa ang ulo at sinaksak ang tiyan na lumabas ang bituka, atbp.

Kaya hindi kami magtataka kapag napanood mo ang R-18 version ng The Healing, siguradong mapapasigaw ka.

 

MANHID NA si Toni Gonzaga sa isyung hiwalay na sila ng boyfriend na si Direk Paul Soriano. Sabi ni Toni, ini-enjoy nila ni Paul ang kanilang almost 5 years na relasyon at going strong pa rin ang kanilang pagmamahalan.

“Ang dami ngang nagte-text sa akin. Kahit si Mamang Pokie (Pokwang) nag-text sa akin. Nabasa niya sa Twitter niya na hiwalay na raw kami ni Paul. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil walang masyadong isyu kaya akala nila wala na kami,” pahayag ni Toni.

Ayon pa kay Toni, dahil raw siguro uso ang hiwalayan lately, kaya siguro raw akala ay ganoon din ang nangyari sa kanilang relasyon ni Direk Paul.

Although aminado rin naman si Toni na noon ay nakararamdam din siya ng selos kapag may nali-link sa kanyang boyfriend. Noon daw ‘yun, bago-bago pa lang sila. Pero ngayon, naka-limang taon na sila ay tiwala na lang sa isa’t isa ang pinaiiral nila.

“Aywan ko ba. After 5 years na namin ay hindi na ako nagseselos. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, ‘di ako selosang babae. Kampante rin naman ako sa fez (face) ko,” say pa ni Toni.

Pero siniguro ni Toni sa kanyang boyfriend na si Direk Paul na walang puwedeng sumira sa kanilang magandang relasyon.

 

MAY ITINATAGO palang ganda ng boses ang 13 years old na anak ni Col. Ricardo Nolasco na si Hannah na walang kamuwang-muwang na siya palang tagapagmana ng Hannah’s beach resort sa Pagudpod, Ilocos Norte na madalas puntahan ng mga kasamahan natin sa panulat at mga dayuhang turista.

Lately lang napagtanto ni Col. Nolaso na hilig pala talaga ng unica hija niya ang pagkanta kaya nagdesisyon na susuportahan niyang matupad ang pangarap ng anak na maging mahusay na singer.

Kamakailan ay nagsimula nang pasukin ni Hannah ang recording at ang sikat na composer na si Boy Christopher ang gumawa ng dalawang kanta na angkop sa boses at edad ng unica hija ni Col. Nolasco, ang awiting “In Lab” at “Tara Na Sa Hannah, Paraisong Kay Ganda”.

Dahil maganda at malamig na boses ni Hannah, humanga maging ang radio anchor ng DZXL kaya tatlong beses itong pinapatugtog sa nasabing radio station.

Gagawa na rin ng MTV si Hannah sa tulong ni Zonnie Espiritu na siyang nangangalaga ngayon sa career ng dalagita na kasalukuyang nag-aaral sa San Beda.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Luis Manzano, isinugod ulit sa ospital
Vilma Santos, ‘di sinipot ang diehard fans!

  1. napanood koto kasama si mommy die hard kasi yun, honestly< nothing special boring at predictable, akala ko pa naman duper ganda !!! tama ang prof ko Nora aunor is artist, papanoorin ko yung movie not becoz of nora kundi curius lang ako para kasing nagagalingan ako sa kanya! dahil sa mga prof ko sa hmanities or baka Noranian lahat ng Professors kasi di nila binabangit si VIlma kahit saang forum eh.

    • Naman. Pa etcheng ka pa eh isa kang nuranggutan jejejejeje Ang ganda ng The Healing…nakakatakottttt. Huwag maniwala sa mga noranggutans. Panoorin nyo na lang ang movie ng idol nyo at huwag manira ng iba. Mga talangkang nuranggutans!

Leave a Reply

Your email address will not be published.