Luis Manzano, dinedma si Jennylyn Mercado; nagparamdam kay Angel Locsin nitong Kapaskuhan

Luis-Manzano Luis-ManzanoINAMIN SA amin ni Luis Manzano na noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay ‘di niya binati ang dating kasintahan na si Jennylyn Mercado, dahil naniniwala siya na hindi pa ito ang tamang Pasko at Bagong Taon para batiin ang aktres.

Nang tanungin namin kung nasa estado pa rin ba siya ng moving on, ayon kay Luis ay mahaba itong proseso. Pero dito ay higit na malalaman ang kahalagahan mo bilang isang indibidwal at matatanggap mo na ang lahat ng bagay ay may rason kung bakit dapat mangyari.

Masaya naman sa sunud-sunod na proyektong sinisimulang gawin sa ngayon ni Jen, sa huling usap nila ay nabanggit ito noon ng ex at alam niya kung gaano ka-excited ito sa muling pagbabalik-serye.

Kung si Jen ay ‘di binati noong nakaraang okasyon, binati naman ang ex din na si Angel Locsin na ‘di nga lang maaala kung Pasko o Bagong Taon o sa parehong okasyon ito ay na-text niya.

Ayaw ring magbigay detalye sa kung paano nabuksan ang komunikasyon sa pagitan nila ni Angel, kung saan inamin nila pareho noon na ‘di sila nag-uusap. Para kay Luis, anuman ang sabihin niya ay tiyak na mabibigyan ng kulay ng ibang tao, kung kaya’t mas mabuti na sa kanila na lang ng aktres ang mga detalye.

Tinutukso kay KC Concepcion, ipinaliwanag ni Luis na noon pa man ay may innate chemistry na talaga sila ng aktres dahil sa kanilang mga pamilyang pinanggalingan, kung saan pareho silang galing sa pamilya ng mga sikat na artista.

Ayon sa TV host, hindi siya nagsasarado ng pinto sa anumang posiblidad. Pero sa ngayon ay tunay na kaibigan talaga ang turing niya kay KC at hindi niya ito niligawan kahit dati.

Masaya sa itinakbo ng kanyang 2013, hinihiling niya na sana ay ganito rin ang kanyang maging 2014 na maraming endorsements at shows na pag-uusapan, kung saan mas higit na nakita ang husay ni Luis bilang isang host.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Luis Manzano, dinedma si Jennylyn Mercado; nagparamdam kay Angel Locsin nitong Kapaskuhan

  1. sa nakikita ko,parang ginawang panakip butas lamang itong si Jennylyn ,at nung malaman na wala na sina Phil at Angel,abah ,sing bilis sa ikot ni yolanda ang biglaang paglaglag kay Jennylyn sa ere dahil patay na patay parin pala ang babalu kay Angel hanggang ngayon tsktsktsk!

    • pwidi piro dipindi

      bakit di mo tanungin si lolit solis kung bakit niya hiniwalayan si jennylyn? alam na alam nun ang lihin ni rhodora x heheheh

      • Hoy abigail… obvious na obvious nmn yng idol mong baklita…. kung ano ano pa sinasabi mo dyan na halatang wala nmn … pinipilit nyo lang.. memasisi lang tsk!!! Gnyan ugali ni luisa kaya pala galit mga fans ni angel s knya.. tanda ko pti si angel nun piNaKALat pang may DOM.. DIBA TSK TSK!!!

  2. Angel classy lady???.. hahaha!!! hindi mo ba alam anu ang classy? sus maryosep.. ang classy lady may pinagaralan at galing sa pamilya ng high society hindi galing sa tabi tabi lang…ingot..

Leave a Reply

Your email address will not be published.