Luis Manzano, deadma sa split kay Angel Locsin – Eddie Littlefield

IMPRESSED KAMI SA ganda ng trailer ng In My Life sa grand presscon nina Gov. Vilma Santos, John Lloyd Cruz, Luis Manzano and Direk Olivia Lamasan under Star Cinema. Naging sentro ng usapan ang nasabing pelikula at ang character ng bawat isa. Nang matapos ang nasabing event, nagpaunlak si Lucky magpa-interview.

Hiwalay na nga ba sila ni Angel Locsin? “Siguro kung papaano namin naprotektahan ‘yung simula, ganu’n din namin proprotektahan  ito,” matipid na sagot ni Lucky na halata mong umiiwas.

Kayo pa ba ni Angel o hindi na ? “I don’t need to answer. It was never a showbiz naman, sa aming dalawa, it’s very personal,” paiwas na sambit ni Luis.

Totoo bang may tampo ang Vilmanians kay Angel ? “I never talk to them, napakalaki ng pang-unawa ng Vilmanian. Alam ko kasi, ang initial na tampo nila ‘yung comment ni Angel, when she did the remake of Himala. I’m sure alam nila ‘yun, bilang artista mayroon kaming kailangan gawin na bagay, but it’s not necessary mean na may disrespect towards another. Hindi porke sinabi ni Angel na magaling na artista si Ms. Nora Aunor, it means binabastos na niya ang mommy ko. Alam kong maiintindihan ng Vilmanian ‘yun dahil artista rin ako at naiintindihan ni Mom ‘yun. ‘Yung ginawa niya para kay Ms. Nora, hindi ibig sabihin dina-down niya ang mommy ko. Magaling naman talagang artista si Ms. Nora, I don’t see the point na may dapat ikagalit,” paliwanag ni Luis.

‘Yung hindi pagho-host ni Angel sa Vilma Special, bakit hindi natuloy ? “ We have all reasons, siguro naman may dahilan kung bakit hindi niya nagawa ‘yun. Sana naman hindi pinangungunahan kung anuman, huwag tayong humusga agad. Kung anuman ‘yung reason kung bakit hindi niya ginawa, I’m sure there’s something behind it. Hindi naman siya basta-basta magtri-trip na hindi pupunta. We know Angel, she’s very, very professional artist, hindi siya ganu’n.”

Are you hurting now ? “Kung anuman ‘yung personal, personal na ‘yun…I’ll be honest, I’ll be very, very straight up. Siguro I’d rather talk about the movie. I don’t want you to give false answer. Ayaw kong pinag-uusapan kung anuman ‘yung pinagdadaanan namin ni Angel. Paikot-ikutin ko ang kuwento, to tell everyone right now, I’d rather talk about the movie,”pakiusap ng actor.

Pinag-usapan kaya nila ni Angel  na manahimik na lang about the issue ? “Siguro, kung paano kami nagsimula, sa simula naman hindi namin pinag-usapan talaga. Wala kaming desisyon na not to talk about it. Kahit sabihin na public property kami, nahiwalay namin ‘yun, hindi naman kailangang pag-usapan.”

Kailan kaya darating ‘yung time na kailangang pag-usapan ang totoong namamagitan sa inyong dalawa? “It happened, ganu’n ang nangyari, binigyan kami ng pagkakataon ng mga tao and after awhile we came out we’re very, very comfortable talking about are relationship. So, hopefully, after a few days, mapag-uusapan na namin. Siguro for the meantime, mas maganda na ‘yung hindi na pag-uusapan.”

Sinasabing si Luis raw ang may kasalanan sa break-up nila ni Angel dahil may third party (Maricar Reyes) raw na involved na itinanggi naman ng binatang actor. “Never was, never, walang third party! Nag-uusap naman kami ni Angel, the easiest things to do in life is to judge so, less judging ang masasabi ko lang d’yan. Siya dapat ang loveteam ko sa Flash Bomba. You know, I’ve been hearing the weirdest stories,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “Luis Manzano, deadma sa split kay Angel Locsin – Eddie Littlefield

  1. Wow! Superclose kayo ni Ms. Locsin at Luis alam mo talaga ang buong buhay nila. jhehhehehehlokohinmo ang lelang mo!!

  2. sobrang manghusga ang mga tao dito, akala mo alam nila ang tunay na nangyari. pwede ba. hindi ang tipo ni luis ang nanloloko.
    at un iba sobrang makapamintas. tingnan nyo muna sa salamin ang sarili nyo.

  3. pasaway kasi itong si luis e. ang andaming sinasabi na obvious namang hiwalay na sila ang sagot sa huli. at isa pa. hindi naman sila bagay. maghanap na lang si luis ng ibang babae. si angel din, wag na yang c luis. masyadong mahangin kasi eh. anlakas pa ng loob manloko.

  4. At least si Luis deretso sasagot.Tama lang just talk about the movie at ano man iyong sa knila ni Angel personal na iyon.Si John Lloyd noon paikot ikot ang sagot doon din naman ang bagsak.

  5. This is true coz luis and anne g0tten back 2geder agen. .khit na cno girl mging gf ni luis mas mahal prin nya c anne. My promise nga cla 2 each ader wen they reach d age of 30 magpapkasal sila.

  6. isang malaking gimik! kung naalala niyo pa sa Flop Me Again gumimik din ang 2 ito na hiwalay na daw pero ayon nagkabalikan naman after ng promo ng Flop Me Again! may paiyak iyak pa sa ASAP si angel noon!

    and if the break up is real this time, aba si angel marami naman yang non-showbiz bf no at mayayaman pa.. nakakatanggap pa siya ng mamahaling bahay at lupa na hindi kaya ibigay ni Luis sa kanya dahil pang showbiz bf lang naman si Luis!

Leave a Reply

Your email address will not be published.