Luis Manzano at Jennylyn Mercado, nagli-live in na?!

HANGGA’T HINDI pa namamaalam si Luis Manzano sa kanyang mommy na si Governor Vilma Santos-Recto na pakakasalan na niya si Jennylyn Mercado ay hindi rin kaagad ibinibigay ng Star For All Seasons ang kanyang pag-asa at pagtitiwala na kung sino ang babaeng mahal ni Luis ay iyon na nga ang kanyang magiging manugang. Ilang babae na ‘yung alam ni Ate Vi na naging karelasyon ng kanyang panganay, pero sa hiwalayan pa rin naman napupunta.

Kaba ni Vilma ay nagmana rin sa kanya si Luis, na hindi muna mag-aasawa hangga’t hindi pa nararamdaman na sawa na siya sa buhay-binata. Nakikita rin ng premyadong aktres ang kaabalahan ngayon ni Luis sa kanyang career, dahil may mga pagkakataon na halos hindi na sa kanyang house natutulog si Luis dahil sa dami ng kanyang trabaho, lalo pa’t mayroon ding business ang boyfriend ni Jennylyn.

Noon ay kinabahan si Vilma na dahil sa sobrang saya ni Luis sa pakikipagrelasyon nu’ng panahon nila ni Angel Locsin, baka raw ang magandang aktres na ang makakatuluyan ng kanyang anak. Itong relasyon nina Luis at Jennylyn ay nagtatagal na rin daw, kaya ang wish lang ng bidang aktres ng pelikulang Extra ay lalo pang magkakilala at matiyak nina Luis at Jen na sila na nga ang para sa isa’t isa. Oo nga naman, lalo pa’t natsitsismis na magka-live in na silang dalawa.

 

ISANG NAPAKALAKING kaba talaga, na ang It’s Showtime! ng ABS-CBN ay puwedeng kabugin ng programang Wowowillie ng TV5 ngayong ito ay ginaganap na sa Delta Theater na malapit lang talaga sa Kapamilya Network kung gustong puntahan ng mga manonood na hindi makapasok sa studio ng ABS-CBN. Unang dahilan siyempre, ang oras ngayon kung kailan napapanood ang programa nina Anne Curtis at Vice Ganda ay ang oras ng show na dating pinaghaharian ni Willie.

Ang oras ng programa ni Willie na iniwan sa ABS-CBN ay para talagang isinumpa, dahil walang ipinalit na programang nagtagal sa ere. Paano nga, grabe ang naging kontrobersiya at hinanakitan tungkol sa dating programa na inalis doon.  Hindi kasalanan nina Anne at Vice na ang maganda nilang programa ay inilagay ngayon sa oras na dating kay Willie. Pero ang nakakakaba talaga, lumalaylay hanggang sa inihihinto na lang ang mga programang hindi nagre-rate sa oras na iyon.

Sinusundan kasi talaga ng masa ang programa ni Willie, dahil ang pakiramdam ng mga nakikipagsapalarang mamamayan ay may suwerte sila laging mapapala kapag pumunta sila sa show ni Revillame. Kung papaanong ang iba ring gustong suwertehin ay pumipila sa Broadway Centrum dahil sa Eat Bulaga nina Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto. Nagtatagal na ang programa nina Anne at Vice, pero hindi pa kasing-tatag ng EB kaya nakapanghihinayang kung mawindang sila dahil sa patuloy pa ring lakas ng bagong show ni Willie.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Luis Manzano at Jennylyn Mercado, nagli-live in na?!

  1. grabe ang rating ng wowowaley 5% lng talaga kaya d dapat kabahan ang showtime kasi lumalaban cla sa eat bulaga, d pa rin naman natitinag ang eat bulaga pero bumaba na rin ratings nla d na kagaya ng dati,ewan ko lng kung hanggang kelan tatagal wowowaley

  2. nagli-live in? hmmm… parang imposible kasi di ba parang panakip butas lang naman ni luis si jen dahil nga may alingasngas na badingerzi ang lola luisita nyo hahaha! itanong nyo pa kay papa billy crawford

Leave a Reply

Your email address will not be published.