Luis Manzano at Angel Locsin, nasa cloud nine na naman

Angel-Locsin-Luis-ManzanoFOR THE second time around, nasa cloud nine ngayon sina Angel Locsin at Luis Manzano. Na-realize daw nila pareho nasa puso pa rin nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Kahit nagkahiwalay at parehong nakipagrelasyon, kailangan pa rin nila ang bawa’t isa. Sa kanilang pagbabalikan, never daw nilang pinag-usapan kung anumang relationship mayroon  sila in the past. Bahagi ‘yun ng nakaraan, tapos na raw ‘yun para pag-usapan pa. Ang mahalaga ay ‘yung present and future, ayon kay Angel.

Sabi nga ni Luis, hindi nagtanong si Angel kung ano ang naging dahilan ng break-up nila ni Jennylyn Mercado. Nirerespeto ng actress kung anuman ang naging relationship nila noon. Ganu’n din siya kay Angel, never itong nagtanong tungkol kay Phil Younghusband.

“Bakit gagawin pa nating komlikado ang mga bagay-bagay. Tapos na ‘yun, si Angel ngayon ang special someone. So, ‘yun ang importante. Mas kakaiba nga ‘yung feeling na nararamdaman namin na mahirap ipaliwanag. We’re both happy sa relationship namin, ‘yun.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Luis Manzano at Angel Locsin, nasa cloud nine na naman

  1. Eh paano magtatanong eh sya dahilan ng hiwalayan nila Jen, kunwari ka pa, biruin mo di manlang nakaintay ilang months ariba agad si “Angel” bagay ba pangalan mo sayo?? Well, goodluck and tama mga comment kakasawa na kayo! Puro publicity sa nawawalang career! Ate galingan ang acting ha at wla ka ng talent talo ka pa sa acting…tsk tsk

  2. nakakasuka ang dalawang to. daig nyo pa mga aso. tikim tikim muna sa iba.yang c angel hindi mbbuhay ng wlang lalake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.