Luis Manzano, alanganin pa sa pag-aasawa at sa pulitika

Luis Manzano

Luis Manzano

NASA tamang edad na si Luis Manzano para magpakasal. Pero para sa kanya, wala pa siya sa tamang panahon para pumasok sa larangan ng pulitika, na palaging inuusisa sa kanya ng marami.

Hindi nababakante ang kanyang lovelife, dahil magkakasunod lang sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, at Jessy Mendiola na kanyang mga naging karelasyon. Pero kahit siya, hindi pa niya nararamdaman sa ngayon ang pagmamadali para mag-asawa.

“‘Yang pag-aasawa, darating din talaga ‘yan kapag ‘yon na talaga ang hinihintay mong panahon. Ganu’n din sa pulitika, hindi puwedeng basta ilalagay mo na lang doon ang sarili mo,” katuwiran ni Luis.

Masipag si Luis sa kanyang career. Mayroon din siyang mga pinasukang negosyo. Si Jessy talaga ang kanyang inspirasyon sa ngayon. Pero wala pa ring posibilidad na magkaroon ng unang apo ang kanyang mommy na si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

“Kung hihingi na si Mommy sa akin ng apo, sasabihin ko’y si Ryan Christian (Recto) na lang muna ang gumawa ng baby. Respeto na lang sa akin bilang panganay, paunahin na lang si Ryan na gumawa ng baby para magkaroon ng apo si Mommy, ‘di ba? Ganu’n na lang muna sa ngayon,” pagbibiro ni Luis.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

2 thoughts on “Luis Manzano, alanganin pa sa pag-aasawa at sa pulitika

  1. bakla kang hayop ka! shutangina nitong pamintang star anise na to! dami mong chararat bruha ka! ang sabihin mo pano ka makakagawa ng baby eh ikaw kamo ang tinutusukan ng burat sa likod! epek ka Mars! nangangalingasaw na sa showbiz ang naguumapaw mong kabadingan at pwet mong singluwag na ng shoulder bag mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.