Luis Manzano, alagang-alaga si Jennylyn Mercado

MUKHANG  LUMAGPAS NA sa dating stage sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
Bakit namin ito nasabi? Well, kapag pumupunta raw kasi si Luis sa bahay ni Jen ay dumidiretso raw ito sa kuwarto ng aktres. Ganoon na raw sila ka-close ngayon.
Kung totoo ito, maaari ngang magdyowa na ang dalawa at ayaw pa lang nilang umamin para walang kumplikasyon sa kanilang relasyon. Kapag kasi umamin ang dalawa na sila na nga ay lalo pa silang maiintriga.
At hindi rin daw totoo ang tsismis na kuripotsina si Luis. In fact, ginagastusan daw ng binata ang aktres. Kung mamili raw ito ng pagkain ay sobra-sobra.
Naging ugali na raw kasi ni Luis na mamili ng pagkain sa mga stopover niya kapag nagho-host siya ng Pilipinas Got Talent sa malalayong probinsiya. Panay raw ang bili nito ng pasalubong.
At kung titingnan mo nga raw ang ref ni Jen sa bahay ay punung-puno ito ng pagkain, mostly ay galing kay Luis. Ganoon daw kaa-laga si Luis pagdating kay Jen.

GRABE ANG GINAWANG record ng Ang Babae sa Septic Tank sa katatapos na Cinemalaya.
Humataw talaga ito sa takilya at talagang pinilahan. At ang higit na nakakatuwa, nakalimang award ito sa awards night ng Cinemalaya Independent Film Festival 2011. Nagwagi si Eugene Domingo ng best actress.
Ipalalabas na sa malala-king sinehan ang indie film na ito ni Eugene.
Dahil sa tinamong success, natanong si Eugene kung hindi pa ba lumalaki ang kanyang ulo.
“Hindi na siguro. Todo na ‘tong laki ng ulo ko. Tama na ‘to,” sagot ng komedyante na nagdiwang ng kanyang 40th birthday kamakailan.
“Ang ibig kong sabihin, ang sarap naman talagang pumunta sa mga international filmfest. ‘Yun ang pinakamalapit na puwede kong masalihan kasi hindi naman ako puwedeng maging beauty contestant, ‘di ba?

“’Pag sumama ka sa international filmfest, you also represent your country kasi may dala kayong produkto galing sa bansa n’yo, eh. Doon kayo nagkikita-kita lahat at kanya-kanya kayong paandar doon. So, patalinuhan kami doon, bigayan ng calling card… nagagandahan naman sila sa akin, awa ng Diyos! Ha! Ha! Ha!”
So, mas angat na ang level niya ngayon na bidang-bida na siya, hindi katulad nu’ng dati na best friend siya ni ganito, yaya siya ni gano’n?
“Paminsan-minsan, naiisip mo ‘yan. Natutuwa ka na. ‘Naku, salamat naman, naitataas ko naman ‘yung level ko kahit paano’. Kasi minsan, iisipin mo puwede namang lagi kang best friend, lagi kang sidekick. So, ngayong binigyan ako ng
role dito sa Septic Tank na very meaty at nabigyan pa ng acting award, natutuwa ako na umabot ako roon,” esplika ng komed-yante.
TOMORROW NA ANG pagda-ting ng nag-iisang Superstar sa bansa na si Nora Aunor. Wala na raw itong urungan kaya naman nakatitiyak kaming mara-ming fans niya ang matutuwa.
Ayon sa balita, isang political drama mini-series ang gagawin ni Ate Guy sa TV5 kaya naman lahat ay  inihahanda na sa kanyang pagdating.
Tama ba ang nasagap naming tsika na sa isang five-star hotel pa ang presscon ni Nora sa araw ng kanyang pagdating? Kung totoo, aba, talagang superstar treatment na nga ang ibinigay sa kanya bilang bagong Kapatid.
Bukod sa mini-series ay may special role rin si Nora sa pelikulang ginagawa ni Laguna governor ER Ejercito, ang El Presidente.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

23 thoughts on “Luis Manzano, alagang-alaga si Jennylyn Mercado

  1. pasalamat na lang tau kat MP dahil may tv5, at least may trabaho ang ibang mga artistang napaglipasan na ng panahon at kasikatan at yung mga artistang hindi na in demand sa dalawang big network, dahil tulad natin may mga pamilya rin silang pinapakain at binubuhay, at alam namn ni nora aunor na hindi na sya ang dating superstar na tiniingala dati noon,,, ang importante may trabaho dahil kailangan nya rin mamuhay. at sana maging aral ito sa mga young generation of actors and actresses ngayon na dapat mag ipon at mag invest habang indemand pa sila., kaya hanga ako kay MR, M pagdating sa paghandle ng mga pera ng talants ng star magic.

  2. Ganyan talaga, masasama kasi mga ugali ng mga yan, halos di na nagiisip kapag nagbibigay ng comment… parang mga wala na sila konsyensiya.

  3. BAKIT ANG MGA PINOY WALANG GALANG SA INSTITUSYON.MAS GINAGALANG PA NILA ANG MGA ARTISTANG BAGO NA WALANG TALENTS AT PURO KATAWAN LANG PINAPAKITA.KAHIT NGA SI ATE VI GINAGALANG AT PINAPANGARALAN SI ATE GUY.BATA PA AKO AT DI KO NAABUTAN SI ATE GUY PERO HINDI AKO SASALI SA PAMBABASTOS NINYO SA KANYANG MGA KARANGALANG NARATING.LALO NA YUNG PAGIGING MAHIRAP NIYA BAGO SIYA SUMIKAT.ISA PA MASAMA IYANG PAGIGING MAPANGHAMAK.KAYO BA MAY NAPATUNAYAN NA KAYO SA SARILI NINYO

  4. Im just curious Mr.Brosas where did you obtained the information re: Luis Mansano going to JM bedroom.na don na sya dumideretso.I think JM should investigate who among her kasambahay are leaking this to the press.JM be careful.Whats the big fuss of Nora coming home?I agree with the comments here that Nora show in TV5 will no longer click,but very rich and kind supportive naman si Mr.MVP so ok lang siguro to gamble(good luck )Wish all the success to Mr.MVP> TV5 .

  5. I have nothing against kay ate Guy,she’s really a good actress, mabuti kung magka-comeback sya,kaya lang LETS FACE it iba na talaga ang generation ngayon, kung gagawin syang pinakamainstar malabo na yun,kasi lumipas na talaga yung era nya. siguro dapat maging open na lang sya to accept supporting roles, like mother or grandmother roles like Gina Pareno, magaling pa rin talagang actress at least nakabalik sya sa showbiz at hindi nawawalan ng mga offer. dapat siguro maging OPEN si ate Guy sa ganung possibility.

  6. di ko alam kng bkt excited cla ky nora..para sa new generations ngaun d n xa ganun kasikat..kya cno p manonood s knya??ung mga thunders n ka-age nya..at d kme fan n ate vi..un lng tlga katotohanan noh..

  7. Mapapatawad naming mga Pinoy dito sa America ang NAPAKALAKING KAHIHIYAN ang ginawa ni Miss Aunor noong NAHULI siya sa L.A Airport dahil sa DRUG issue, pinupusasan pa siya at dinala sa Van Nuys California Courthouse(about 20 miles from L.A. Airport) at KINULONG doon over the weekend, pero HINDI NAMIN MAKAKALIMUTAN yon kailanman. Pasalamat siya at hindi nangyari sa CHINA yon at siguradong pinatay na sya ng mga Intsik kung nagkataon. Sana nagbago na siya at wag siyang magyayabang dahil TAINTED na sya.

  8. wait lang ha! ibang topic to. singit ko lang hehehehe! sabi ni Nadine Samonte di daw totoong ni-lock ni Marian Rivera si Bella Padilla sa CR ayon sa tsismis kasi wala naman daw lock ang CR so pano mangyayari yon? (Phil. Journal) Share ko lang. Bahala na po kayong mag-conclude.

  9. mas sikat pa din si vilma santos ! ate vi is still the longest reigning movie queen of philippine cinema! the all time box-office queen!

  10. pagsisisihan ng tv5 ang pagkuha kay nora……itaga nyo yan sa batoooooo!laos na si nora….kung ang channels 7 and 2 nga di na siya napasikat..sila pa kaya?

  11. poor nora! nagpadala sa sulsol ng mga taong may vested interest.kahit alam nilang wala nang ningning si nora, pinaaasa pa din nila ito…bandang huli,baka magpakamatay na lang yan!

  12. Wala na yang si nora……matanda nang laos yan!may nakakakilala pa ba sa kanya?Magdusa kayong mga taga-TV5, kumuha kayo ng batong ( di SHABU ha!) ipupukpok sa mga ulo niyo!

  13. kawawang channel5, sure malulugi ang istasyon sa pagsugal kay nora.ilang dekada na bang flosina queen si nora….sa tv pa kaya?

  14. laos na si nora! kahit pa ano ang gawin nyo,di na mabubuhay ang bangkay!malamig na malamig nang parang bangkay ang career niya kung meron man!

Leave a Reply

Your email address will not be published.