Luis Alandy, single pa rin daw, pero ‘di na available

ITINANGGI NI Luis Alandy ang mga naglabasang balita na ikinasal na siya sa fiancé na si Bebs Hollman dahil buntis na raw ito. At sa USA raw sila nagkaroon ng civil wedding nu’ng huling punta niya para magbakasyon.

Natawa lang si Luis dahil wala naman daw katotohanan na ikinasal na sila. “I’m still single but not available,” natatawang pahayag ni Luis. Kita ninyo naman, wala akong suot na wedding ring. Kaya hindi pa ako kasal. But I am engaged. Pinaplano at pinag-iipunan natin ang lahat. I want to give may fiancé  the wedding of her dreams. And she is not pregnant.”

Sabi pa ni Luis, kaya raw siya nagtagal sa US ay dahil nagplano siyang mag-enrol sa isang film school sa Los Angeles, California. Naghintay siya kung may mababakanteng slot para makapasok. Nagkataon daw na puno na kaya next year na ulit siya susubok.

“Tamang-tama naman na tinawagan ako ng manager ko at sinabing may bago akong project sa GMA-7, itong Binoy Henyo nga ang project na gagawin ko bilang ama ng batang si David Remo,” nakangiting say pa ni Luis.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.