Luis Alandy & Max Collins: My Beloved

Max-Collins-Luis-AlandyLUIS ALANDY
Real Name: Adrian Louis Alandy
Birthdate: February 7, 1980
Zodiac Sign: Aquarius
Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday
MAX COLLINS
Real Name: Isabelle Abiera Collins
Birthdate: August 28, 1992
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday
ISANG BAGONG tambalan ang inihahandog ng Kapuso Network para sa mga loyalistang nakiki-dramarama sa hapon. Sina Luis Alandy at Max Collins ang bagong magpapa-ibig sa madla sa pamamagitan ng ‘Innamorata’. Nakapanood na kami ng ilang episodes nito at in all fairness, may chemistry ang dalawa, huh!
In real-life, kumalas na si Luis Alandy sa ex-girlfriend nito dahil hindi raw keri ng dalaga ang long distance relationship. Si Max Collins naman ay very much single and ready to mingle. Hmmm… is there a big chance for them to say ‘I Love You’ eventually?
Mataas ang tsansang dumiretso hanggang simbahan ang pagsasama ng Aquarius at Virgo dahil sa kanilang mental rapport. Gayunpaman, magkaiba sila ng pananaw tungkol sa buhay. Mas gustong gugulin ng Virgo ang isang specific na detalye ng isang sitwasyon kaysa tingnan ang pangkalahatang epekto nito. Mas malawak naman ang isip ng Aquarius pagdating sa kung anu-anong bagay. Matutulungan ng Virgo ang Aquarius na mag-focus sa pinaka-importanteng bagay.
Pagdating naman sa usaping pag-ibig, mas malakas ang kanilang intellectual bond kaysa sa usaping emosyonal. Mas sensible gumalaw ang Virgo kaysa sa Aquarius. Kung minsan, ito rin ang puwedeng ikasanhi ng kanilang pag-aaway. Maingat ang Virgo habang ang Aquarius ay may pagka-careless.
May initial spark ang Aquarius at Virgo, pero maituturing na pagsubok kung paano patatagalin ang interes nila sa isa’t isa. Maiinlab ang babaeng Virgo sa katalinuhan at talent ng lalaking Aquarius, pero maaari itong maglaho kung lumabas ang mga negatibong ugali nito. Sa pagsasamang ito, importante na matutunan nilang tanggapin ang positive and negative traits ng isa’t isa kaysa baguhin ito. Kung malagpasan nila ang pagsubok sa rurok ng getting-to-know stage, pwede naman maging happily ever after ang ending nito.
It’s just the beginning of a possible long-term onscreen team-up between Luis and Max. Who knows, eventually they will be each other’s ‘Innamorata’. Just Believe and Love Will Find a Way!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.