Luis Alandy, interesado kay Jennylyn Mercado

Luis-Alandy-Jennylyn-MercadoLuis-AlandyKAHIT AYAW munang magpaligaw ni Jennylyn Mercado dahil sa break-up nila ni Luis Manzano. Nakahanda pa rin maghintay si Luis Alandy (another  Luis na naman) na mapag-ukulan siya ng pansin ng dalagang-ina. Nagpalipad hangin na nga ang binata sa kanyang mga interview  sa Innamorata na matagal na niyang  crush si Jennylyn. Wala pa nga raw pagkakataon magkita sila at magkausap kahit pareho silang nasa bakuran ng GMA-7. Naka-move-on na raw siya sa dating ex-girlfriend na nasa Canada. Ayaw na nga ni  Luis na mapag-usapan ‘yun.

Pagdating sa personal life ni Luis, as much as possible, ayaw niyang pinag-uusapan. Gusto niyang maging pribado ito. Walang regrets ang binata sa mga past relationship niya dahil minahal niya ang mga ito. ‘Yun nga lamang, nauwi sa hiwalayan. Ayon sa kanya, kapag hindi kayo para sa isa’t isa nagkakaroon ng dahilan para magkahiwalay. Hindi pa lang daw dumarating ang babaeng nakatakda niyang makasama habang-buhay.

Baka si Jennylyn na kaya ang babaeng maging kapalaran ni Luis kung sakaling magustuhan siya nito. Sa tono nang pagsasalita ng actor, tipong seryoso ang gagawin niyang panliligaw sa actress if ever bigyan siya ng pagkakataon nito.

Ang importante, nagpasakalye na si Luis na interesado siyang makilala nang lubusan si Jenny. May mga pagkakataon nga raw na dapat ay magkakasama sila ng actress sa drama series ng Kapuso network kaya lang, hindi natuloy. Ewan raw niya kung bakit ?

Umaasa si Luis na bibigyan siya ng pagkakataon ni Jenny na makilala siya nang lubusan. Seryoso na ang binata na lumagay sa tahimik at magkaroon ng pamilya. Sa ngayon, focus muna raw siya sa kanyang career. Hayaan daw natin ang destiny ang magtakda kung sila nga ni Jennylyn ang magkatuluyan sa bandang huli. Abangan…

 

NAKATUTUWANG PAGMASDAN ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas kasama ang bagets na anak nilang lalake sa birthday party ni Madam Joy Sison na ginanap sa Fili Restaurant, Mandaluyong. Kitang-kita sa dalawa ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nagbibiruan, nagtatawanan na para bang wala silang problema sa buhay.

Totoong-totoo sa sarili si Gladys, alam niya ang kanyang limitation bilang asawa ni Christopher. Maging sa pagtanggap ng mga project, ipinagbibigay-alam niya ito sa asawa kahit maliit o malaki ang role na kanyang gagampanan. Ganu’n din ang actor, sinasangguni muna niya ito kay Gladys. Nandu’n kasi ang respeto nila sa isa’t isa kaya pinagtitibay ng panahon ang kanilang pagsasama. Hindi nga sila perfect couple pero going stronger ang kanilang relationship.

Kahit may tatlong anak na sina Gladys at Chris, gusto pa ng actress na magka-anak pa sila ng isa at sinang-ayunan naman ito ng asawa. Hindi nga raw nila alam kung kailan ito mangyayari. Bahala na lang si Lord kung magkakaanak pa uli siya.

Bukod sa pagiging actress, board member din ng MTRCB si Gladys. Naging sentro rin nang usapan namin ang pagkuha ng MTRCB card. Naghigpit sila ngayon, ‘yung mga nag-apply (writers/showbiz personalities/ non-showbiz) para magkaroon ng deputy card from MTRCB. Karamihan sa kanila ay hindi alam ang rules and responsibility bilang miyembro nito.

Ginagamit ang card para makalibre sa mga sinehan. Hindi nag-o-observe kung pinatutupad nga ba ng mga mall ang rules and regulation ng MTRCB. Dapat ding maging alerto rin ang mga takilyera sa mga pinapapasok nila sa bawat sinehan lalo’t kung ang palabas ay for adults only. Kaya nga bago magsimula ang pelikula, may nakikita tayong mababasa  on the big screen kung ang pinanonood natin ay pang- general patronage, R-13 (parental guidance).

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Luis Alandy, interesado kay Jennylyn Mercado

Leave a Reply

Your email address will not be published.