Lucy Torres-Gomez, nakakawalang-respeto!

OLA CHIKKA now na! Ano na naman ‘yan? Hindi ako mapakali sa ko-lum ni Oghie Ignacio (hindi rito sa Pinoy Parazzi). Sa statement daw ni Nora Aunor, masayang-masaya ito sa karangalang nakuha, kahit pa hindi sa main competition ‘yun ng mismong Venice Film Festival.

Kaya nga may mga nagmamaliit sa nakamit niyang award, dahil ka-cheap-an at peke raw ang Best Actress award na ibinigay sa kanya, lalo na’t sa isang restaurant lang ginanap ang awarding ceremony. Bagay raw na ayaw patulan ni Nora.

Ang tanong, Oghie: kung hindi fake, saan nanggaling ang award na ‘yan, samantalang sa awards rite, hindi nabanggit na best actress si Nora? Dapat kasi, magpakatotoo na tayo sa ating mga isinusulat na dapat ipagtanggol ang tama, hindi ang mali na binabali pa sa maling paniniwala.

Ano ka ba? Parang kahapon ka lang nabuhay. Saan ka ba nanggaling? Baka nakakalimutan mong matagal kitang nakasama bilang P.A. Minsan, nilapastangan mo na rin siya nu’ng mamatay ang ina mo. ‘Wag ganyan, magpakatotoo na tayo. Kaya hindi umuunlad ang ating industry dahil sa maling ginagawa n’yo. Mga praise release na walang katuturan.

Intindihin mo nga ang sinasabi mo. Hindi sa main competition, fake. Ang pinag-uusapan, kung saan galing ang award. Walang problema roon. Aminin din natin na talagang magaling si Nora dati at matagal niya akong tagahanga bilang artista at mang-aawit. Sa akin ka lang naman gumaya na humanga sa kanya. Aminado naman tayo roon. Kaya lang, ang pagkatao ngayon ni Nora ang hindi ko hinahangaan. Kasi walang direksiyon at hindi dapat tularan.

Tulad ng mga sinasabi ng ilang Noranians na walang urbanidad na napatapos ko raw ang mga anak ko sa college dahil kay Nora. Ano? At walang katapusang ano?! Kung si Nora ang nakapagpatapos ng mga anak ko, bakit sa mga anak niya at ampon, wala akong alam na napatapos ni Nora? Tama na ang ilusyon.

Tulad ng sinabi mo, and I quote: “Wala namang kasiyahan ang ibang tao lalo na ‘yung mga buwayang nakapaligid sa Superstar na laging nakaabang at mga mapanghusgang nilalang na hindi nakikita ang sarili nila sa salamin kung ubod linis at walang bahid dungis ang kanilang pagkatao maging ang sino mang pinapaboran nilang manok ‘ika nga.” Unquote.

Guess who’s talking? Your answering your own question. Nonsense. Kayo ‘yan na nakapaligid sa kanya na kahit mali na ang inyong idolo, pilit ninyong itatama. Kaya ano? Tingnan n’yo nang mabuti kung ano ang nangyayari sa idolo n’yo, pabago-bago.

Sa sinasabi niyang kakastiguhin niya si Cristy Fermin dahil sa paninira sa kanyang friend kuno na si John Rendez, ano? Kabaligtaran. Siya pa ang nagsumamo na naka-yuko na parang asong bahag ang buntot na pumunta sa dressing room ni Cristy. Ano ang tawag mo roon?  Okay, tama ang magpakumbaba, pero depende sa sitwasyon. Porke’t parehas silang taga-TV5? Dahil sa pagkatao niyang ‘yan, bumaba ang tingin ko sa kanya.

Inuulit ko, bilang alagad ng sining, walang duda, okay siya. Pero bilang tao, kayo ang manghusga kung tama ako. Kung anuman ang naging desisyon ko, may kanya-kanya tayong choice na dapat respetuhin. Okay lang naman kung ayaw n’yo sa akin. Ang sa akin lang, lalo na sa mga fans, hindi lang nina Nora at Vilma Santos, may responsibilidad ako sa tao bilang mamamahayag, at nagpapakatotoo lang ako sa mga isinusulat ko. Dahil ayaw kong linlangin ang mga nagbabasa ng kolum ko. ‘Yun lang!

 

AT NAKAWIWINDANG pang chikka. Bakit parang wala nang makuhang talents ang TV5 sa pagho-host ng isang talkshow?

Like Lucy Torres-Gomez sa Ang Latest, utang na loob. Nakakawalang-respeto sa pagiging isang public official ang kanyang ginagawa. Hindi bagay sa kanyang pagkatao na isang congresswoman, nang-iintriga ng mga artista.

Sa bagay, hindi lang naman si Lucy Torres-Gomez ang ganyan, marami sila na mga walang karapatang mag-host, pero pilit na isinasaksak sa show kasi wala silang mapaglagyan sa mga talent na ito.

Isa pa, wala na ‘yung sinasabing credibility, kundi palakasan na. Kaya tuloy ang resulta, palpak ang show. At sana, tigilan na nila sa kanilang sarili kung nararapat ba sa kanila ito o hindi. Kasi katawa-tawa lang sila. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

25 thoughts on “Lucy Torres-Gomez, nakakawalang-respeto!

  1. I think Lucy is actually helpful in balancing the show. I noticed that Cristy Fermin is subtler especially when Lucy is there. Probably, Lucy’s positivity and kindness is slowly rubbing off on Cristy. And I can’t remember a time when Lucy bashed anyone in the show. She even tries to turn negative issues around and make them sound not-so-negative, if not completely positive. One of the reasons I wait for the show at night and I wake up early on Saturday mornings to catch the show is Lucy. More power to Lucy!

    • Hindi talaga bagay sa isang congresswoman na makisali sa mga tsismisan .  Public service na lang sana siya sumali at hindi rin iniisip ni lucy na daming galit kay Cristy..  Akala ko ba matalino itong si Lucy,  may pagka cheap pala ang dating nito.  Tanong lang, congresswoman ito, bat ba may time pa ito sa mga tsismisan, doon na lang sana siya sa senado ilagay ang precious time nya.  

      • anung sa senado?! tanga sa kongreso lang sya bobo! hahahahaha
        but i agree what the hell is she doing in that dreaded and stupid show?! along with the most hated and devil lucy peramin???

  2. Weh! itong si Swarding WALA tlga sa ayos khit kailan! nangbabash n nman sa isang napakadisenteng tao like Lucy, work lang yan at saka wala nman syang sinasabing masama sa kpwa nya sa show nya. Lucy is respectful&decent host. ikaw n kaya maghost tiyang Swards!!!

  3. KUNG ANUNG PANGIT NG ITSURA NG BAKLANG TO GANUN DIN KAPANGIT AT KAITIM ANG BUDHI!!! ANG MGA “WRITER” NA TULAD NA TO ANG SUMISIRA AT NAGAAGNAS SA INDUSTRIYA! WALANG KREDIBILIDAD AT PAMBABABOY LANG ANG LAMAN NG MGA ISINUSULAT!!! WALANG MAIPAGMAMALAKING NAIAMBAG SA INDUSTRIYANG PINAGTRATRABAHUAN!!1 KAHIYAHIYA KA SWARDING!!! ILANG TAON NA ALNG IBUBUHAY MO WALANGHIYA KA PARIN AT NANGWAWALANGHIYA SA KAPWA MO!!!!

  4. ibang talk show ang bagay kay lucy hindi yung ganon klase. mayaman ka namn bakit kasi tinanggap ang ganon, bagay lang yan sa familya ni ruffa

    • Baka nangailangan talaga si Lucy ng daming pera kasi si Richard tatakbo daw pagka mayor sa ormoc, leyte.  Ang laki kasing kailangan pag mag public service ka.  At agree ako sa yo, sana ang sinalihan ni Lucy ay yong mas public service at hindi yong tsismis service.

  5. Come to think of it, my punto c Swarding . Lucy Torres is a congresswoman. And a respectful congresswoman at that. Pagkatapos mapapanood mo lang cya sa isang tv showbiz talk giving blind items, nangiintriga ng mga  artista.  I can’t find the logic here. And kung ganitong type pla nyang nangiintriga buti pa umalis na cya sa congress. Pra walang hassle sa pag showbiz talk show host nya. Sayang na babae

    • Tompak ka at yon din ang pananaw ko kay Congresswoman.  Nakaka cheap sa image niya ang pagsali sa tsismis show,  sana ang sinalihan na lang sana ay yong may substance na show like public service.  Nung unang mga episode ng Ang Latest, sumali rin si Lucy sa mga bulong bulongan with Cristy Fermin,  You should not be whispering in front of tv, it’s bad taste, even if it is part of a segment kasi cheap kasi ang dating.  Kung may tapang ang mga hosts na yan at ang show na yan, huwag na gawin ang bulong bulongan, say it in front of tv if they are confident na yong binalita nila ay totoo and they have back up evidence to avoid lawsuit.   Sayang nga si Lucy.  Kaya pala si Ritsard hindi makaangas man lang.

    • Totoo naman ang sinabi ni Swarding, ako rin, nagulat sa paglabas ni Congresswoman sa tsismis show at pati itong si Congresswoman, sumali na rin sa bulong bulongan portion in front of tv, degrading!!!!!!  Nakita ko yong mga unang episode ng Ang Latest at nakita ko yon.  Nakawala nga ng respeto.  Mabuti pa si Amy Perez, she gave a benefit of the doubt sa mga ibinalita nila at behave ang style ni Amy sa sahow na yan, parang hindi mapanghusga.  Si Congresswoman, trying hard and kalabasan.  Si Amy cool lang ang dating at parang denedepensahan pa yong mga ibinalita nila kesyo , sasabihin nito na baka nahiya lang or baka hindi nakita.  Yan ang nakakarespeto.  At totoo naman ang mga sinasabi ni Swarding,  bakit wala ba itong magawa sa Senado at nanduon lang sa Ang Latest.  Mabuti pa sana kung ang sinalihan nito ay yong pang public service kagaya ke Attorney.  E puro ka tsismisan ang mga ibinalita nito, class pa naman tingnan,  peke lang pala,  tsismosa din pala palihim.

Leave a Reply

Your email address will not be published.