Lucy Torres-Gomez Enjoys Richard Gomez’ Hot Scenes!

HINDI TALAGA MATATAWARAN ang drama ng buhay at lovelife nitong si Ethel Booba. Matapos ang mala-pelikulang relasyon kay Alex Crisano at ang panandaliang ugnayan nila ni Jan-vier Daily, isang foreigner naman ang nagpapatibok ngayon sa puso ng komedyana, na ayon pa sa kanya ay mahigit isang taon na ang kanilang relasyon noong Pebrero.

Pero hindi kagandahan ang balita na umano’y tinangkang sunugin ni Ethel ang kanyang condo unit dahil sa selos. Gumawa lang yata ng eksena si Ethel para mapag-usapan, okay na raw sila ngayon ng boyfriend at back in each other’s arms na naman ang drama nila.

Sa guesting ni Ethel sa first anniversary presentation ng Face To Face, ikinuwento niya sa amin na masaya na ulit siya ngayon.

Ano ba ang kahulugan sa kanya ng ‘masaya’?

“Masayang experience na medyo malungkot. Ganoon pa din ang lovelife ko… masaya pero malungkot. Gano’n lagi. Sana dumating na ‘yung puro ligaya. Dumaan lang kami sa trials,” paliwanag ni Ethel.

Dahil okay na sila, ibig bang sabihin nito ay level-up na sa pagpapakasal ang relasyon nila? May plano na ba silang lumagay sa tahimik?

“Oo. Nung una kaming magkakilala, nagpapakuwento siya. Ang sabi ko, gusto kong magkaroon ng anak kahit walang asawa. Gusto ko na rin talaga, pero di ko pa alam sa kanya.”

Abangan na lang ang guesting ni Ethel sa Face to Face Celebrity Edition. Ka-face off niya ang kontrobersiyal na si Angelica Jones. May awayan kayang magaganap?

NAGSIMULA NANG UMERE nu’ng Lunes ang pinakamainit na dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak. Mainit dahil sa mga seksing eksena at masasabing dalang kiliti sa mga manonood. Isa sa mga bigating artista sa soap si Richard Gomez na gumaganap bilang director at asawa ng may-ari ng TV network na ginampanan naman ni Ruffa Gutierrez.

May maiinit na halikan si Richard sa isa sa mga bida ng soap na si Valerie Concepcion, kaya naman ang tsika, pinagseselosan daw ito ng kanyang asawang si Cong. Lucy. Totoo kaya ito?

“Si Lucy, alam niya na trabaho ko ‘yan. I’ll do my job faithfully. Kaya natutuwa siya ‘pag napapanood niya ang mga show ko. Hindi siya nagseselos, natutuwa siya. In fact, sabi niya ang galing mo pa lang humalik sa telebisyon!” natatawa pang paliwanag ni Goma.

Ayon pa sa aktor, mahigit isang dekada na ang kanilang samahan at hindi daw ‘yon maaapektuhan ng mga intriga. “’Yun ang reason kung bakit hindi kami nag-aaway, kasi, naiintindihan niya ang role ko. We respect each other.”

PERSONAL: TAOS-PUSO po ang aming pasasa-

lamat sa mga taong hindi nakalimot nung tayo ay nalagak sa ospital, sa mga kaibigang hindi nagdalawang-isip na mag-abot ng kanilang tulong at moral support.

Una na riyan ang aking nanay-nanayan sa showbiz na si ‘Nay Cristy Fermin, salamat po talaga sa paggabay sa amin sa mga tamang gawin bago tayo ipinasok sa operating room. Kay Sir Manny Garcia, ang PCSO spokesperson on-leave na kahit nasa Cebu ay hindi pa rin nakalimot sa amin.

Kay Dra. Vicki Belo sa pamamagitan ng kanyang PR officer na si Ms. Lea Gatdula, kay Richard Pinlac, Doods Maglaqui, at Elmer Reyes. At sa isang taong hindi man namin kadugo ay maituturing ko nang karugtong sa pusod dahil sa kanyang pagpupursiging makapag-paabot ng tulong kahit sobrang abala siya sa kanyang trabaho, my friend Kit. Salamat sa inyong lahat!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

3 thoughts on “Lucy Torres-Gomez Enjoys Richard Gomez’ Hot Scenes!

  1. At least may sariling show si Richard Gomez ngayon at hindi na sya pang support sa GMA7 fantaserye, napag-iwanan na sya ni Aga. Never binaba ang level ni Aga dahil never syang naging support actor lang tulad ni richard.

Leave a Reply

Your email address will not be published.